Chapter 73

7.3K 271 96
                                    

Sa pagdilat ng mata ni Kira ay tanging nasa itaas lamang ang kanyang tingin na tila pinakikiramdaman ang mga nangyayari, at binabalikan ang mga nangyari.

Tsaka lamang niya napansin na nasa uluhan niya si Usher ng tumulo ang luha neto sa kanyang noo.

Nailipat naman niya ang tingin niya kay Henry na naka upo sa kanyang tabi at naka sandal sa pader, naka yuko at naka hawak sa buhok habang naka pikit at tahimik na umiiyak katulad sa nakita niyang si Usher.

At ng tignan niya ang kanyang paligid ay nakita niya ang pag iyak ng iba.

Kaya naikunot niya ang kanyang noo at nag salita.

"Anong meron?"

Blangko niyang tanong.

Tila halos lahat ay natigil sa kanilang tahimik na pag iyak.

At dahan dahan na tinitignan si Kira, at ng makitang naka dilat eto ay nanlake ang kanilang mga mata.

"A-ate?"

Hindi makapaniwalang bulong ni Usher.

"Tss."

Reaksyon ni Kira at sinubukan na umupo.

Ngunit sa pag upo niya ay bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang likuran at dibdib na ikina inda niya ng mahina.

"P-paanong..."

Gulat na bulong ni Loui na nanlalake ang mga mata.

"Don't give me that kind of look, like i was raised from death."

Walang ganang sabi ni Kira habang kinakapa ang kanyang likuran.

"S-sophia...a-anak buhay ka..."

Naka ngiti habang lumuluha na sabi ni Henry.

Nilingon naman siya ni Kira at tinaasan ng isang kilay.

"As you can see Henry, i'm alive. Ano bang mga problema niyo at nagsisipag iyakan kayo? Para kayong namatayan."

Pagsusungit ni Kira.

"A-ang akala kasi namin...p-patay ka na...when i checked you, your pulse was stop from beating..a-at sa tingin ko ay dahil yun sa tama ng bala mula sa likuran mo at posibleng natamaan ang puso mo..p-pero h-hindi ko alam kung paanong buhay ka.."

Paliwanag ni Loui. Inalala naman ni Kira kung paano iyon nangyari.

At ng maalala ay napa iling na lamang siya.

"Kaya pala masakit..tss.."

Inis na sabi ni Kira habang kinakapa ang kanyang likuran.

Napa tingin naman siya kay Henry ng lumapit eto sa kanya.

"Ano man ang naging dahilan...ang mahalaga...b-buhay ka anak..."

Mula naman sa pagkaka gulat ni Usher, pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang kanyang braso at ngumiti.

"Ate!!"

Masaya niyang sabi at yayakapin niya sana si Kira ng pigilan at takpan neto gamit ang isang kamay ang mata ni Usher.

Hindi nagsalita si Kira, at lahat ng mga naka tingin sa kanya ay muling nanlake ang mga mata at nagulat dahil sa pilit niyang kinakapa ang bala sa loob ng kanyang katawan, habang naka pikit at kagat kagat ang labi upang hindi kumawala ang sakit.

Agad namang naitakip ni Loui ang kamay sa mata ni Charlotte.

Ng magtagumpay si Kira ay halos nanginginig ang kanyang duguang kamay habang pinagmamasdan ang nakuhang bala.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon