"Who are you?"Naikunot ko ang noo ko sa tanong niya.
Nagtitigan lang kami.
At muli nanamang humigpit ang pagkaka hawak ni Saturn sa akin.
"Babe!"
Naalis lang ang tingin niya sa akin ng may marinig kaming boses ng babae.
Nakita kong lumingon siya sa at ngumiti.
"Babe."
Sabi niya at umalis sa harapan namin.
What...is happening?
Wala sa sarili na sinundan ko siya ng tingin.
At ang sunod kong nakita, ay ang lalong nagpa gulo sa akin.
Hinalikan niya sa pisngi ang babaeng nilapitan niya at ibinigay ang hawak na bulaklak.
Kita ko sa magkabilaang gilid ng mata ko na napatingin sa akin sila Jasper at Saturn ng naglakad na sila Felix at yung babae papunta sa pwesto namin.
"Hi!"
Naka ngiting bati nung babae.
Nilapitan niya si Saturn at bumeso, sunod ay kay Jasper.
"Jas! Naka uwi ka na pala, wala ka man lang na pasabi."
Sabi nung babae.
Hindi ko alam kung ano ang itsura nung dalawa dahil naka tulala lang ako kay Felix na naka ikot ang kamay sa bewang ng babae.
"Oh hi."
Naalis ang tingin ko kay Felix ng mag wave ng kamay hindi kalayuan sa mukha ko yung babae.
Kaya nalipat ang tingin ko sa kanya.
Naka ngiti siyang naka tingin sa akin.
"A-ahh L-lucy. Si S-sophia, my sister."
Sabi ni Jasper.
Nanlake naman ang mata nung tinawag niyang Lucy at niyakap ako at bumeso sa akin.
"My gosh Jas, you never told us that you have a beautiful sister. Hi Sophia, my name is Lucy."
Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko pero tinignan ko lang yun.
Ibinaba din naman niya agad ng mapansin niyang wala akong balak na makipag kamay sa kanya.
"I didn't know that you have a sister, Jasper."
Muli akong napatingin kay Felix na hawak hawak ang kamay na inilahad ni Lucy.
He didn't know...
"A-ano---"
"I forgot na may gagawin pala ako Jasper."
Pinutol ko yung sasabihin niya, at ang tingin ko ay na kay Felix lang.
Hinawakan ko yung kamay ni Saturn na naka hawak sa braso ko at inalis yun.
"Mauuna na ako sa inyo Saturn."
Pagka sabi ko nun ay nilagpasan ko na sila at bumaba.
"Kira!"
Palabas na ako ng tawagin ako ni Saturn.
"Where are you going?"
Tanong niya ng maka habol siya sa akin.
"Like what i've said, may gagawin pa ako."
Nilagpasan ko na si Saturn pero naharangan niya ako.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]