Third Person's POV
Sa loob ng kalahating oras na paglalakad ni Kira, hindi niya kinausap o tinapunan man lang ng tingin ang naka sunod sa kanyang likuran na si Felix.
Diretso lamang ang tingin niya at ang kanyang lakad.
Samantalang si Felix naman ay naka tingin lamang sa likod ni Kira at naguguluhan kung bakit niya eto sinabayan sa paglakakad at sinusundan.
Nahinto si Kira sa paglalakad at tumingin sa isang tindahan na may mga magagandang bulaklak na binebenta.
Muli siyang naglakad habang naka tingin pa din sa mga bulaklak at binuksan ang pinto ng tindahan at pumasok.
[Recommended to play the video 👆👆👆]
Nahinto naman si Felix at pinagmamasdan si Kira sa loob ng tindahan na isa isang pinagmamasdan ang mga bulaklak.
Napa ngisi siya ng makitang kumuha ng isang bulaklak si Kira at inamoy iyon habang naka pikit.
Muli siyang naglakad habang pinagmamasdan pa rin si Kira at pumasok din sa loob ng tindahan.
"Hi Sir! Congratulations! Ikaw at ang girlfriend niyo ang pang isang daan na couple na pumasok sa aming store. At dahil po diyan may libre po kayong tatlong pulang rosas, ibigay niyo po eto sa kasintahan niyo. Kukunin ko lang po ang camera para makuhaan kayo ng litrato."
Kahit nag aalangan ay kinuha ni Felix ang tatlong pulang rosas sa babaeng tindera na humarang sa kanya pagka pasok niya.
Pag alis ng babae upang kunin ang camera, pinagmasdan ni Felix ang tatlong rosas at muling tinignan si Kira na abala pa din sa pagtitingin ng mga bulaklak.
Dahan dahang naglakad si Felix sa kabilang gawi habang naka tingin pa rin kay Kira.
Hindi alam ni Felix kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng bahagyang ngumiti si Kira ng may biglag dumapong paru-paro sa kanyang daliri.
Natigil naman siya sa paglalakad ng may biglang dumapo din sa kanya na isang paru-paro sa kanyang balikat.
Sabay na lumipad ang dalawang paru-paro at sinundan naman nila Kira at Felix ang paglipad ng mga eto hanggang sa mag tama ang kanilang mga mata.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Kira, at hindi niya alam kung bakit hindi niya maalis ang tingin kay Felix.
Muling nag lakad si Felix papunta kay Kira.
Huminto siya ng maka lapit na siya ngunit may sapat na distansya.
At ang kanilang mga tingin sa isa't isa ay lalong lumalim. Na para bang silang dalawa lamang ang naroon at mabagal ang pag galaw ng kanilang paligid.
Idagdag pa ang dalawang paru-paro na dumapo sa kanila na ngayon ay iniikutan sila.
Nag tagal ang titigan nila habang walang imik, hanggang sa may liwanag na tumama sa kanila kaya't bigla silang natauhan.
"Pasensya na po, ang ganda po kasing kuhaan sa ganyang posisyon niyo."
Naka ngiting sabi ng babaeng tindera.
Pasimpleng lumayo ng bahagya si Kira kay Felix at hindi alam kung saang gawi titingin.
"Sige na sir bigay mo na po. Ready na po ang camera."
Muling sabi ng tindera.
Napa lingon naman si Felix kay Kira na inaabala ang sarili sa paglibot ng tingin sa buong tindahan.
"Sophia."
Hindi alam ni Felix ang kanyang dapat sabihin kaya't sa huli ay pangalan na lamang ni Kira ang nasabi niya.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]