Chapter 2

13.5K 337 4
                                        

Pamela's POV

"La-la-la-la-la.....hmmmm."

Isinuot ko ang jacket ko at inayos iyon. Habang naka ngiti akong nakatingin sa salamin.

"Nagmahal. Nasaktan,"

Naglagay ako ng konting pabango at muli akong tumingin sa salamin at nilakahan ang ngiti ko.

"Napromote."

Sa loob ng walong taon, ang dami ng nagbago.

Tulad ko, mula sa pagiging SPO1 naging Chief Inspector na ako.

Hindi dahil sa nangyari noon, dahil hanggang ngayon bukod kay ninong at kay Erick ay wala ng ibang nakaka alam.

Dahil to sa pagpupursigi ko.

Dati ang akala ko, ang 'secret mission' ko ang magdadala sa akin sa promotion ko.

Hindi pala.

Hindi ko lang siguro talaga oras na mapromote noon. At hindi sa ganoong paraan.

Pero ang nangyari sa akin noon, ay ang isa sa mga nangyari sa buhay ko na hinding hindi ko makaka limutan.

At siya.

Teka, kamusta na kaya siya?

Ang huli ko na lang nabalitaan sa kanya ay bumalik daw siya sa France.

Yun ang nasabi sa akin ng kapatid niyang si Jasper, at yun na rin ang huli naming pag uusap.

Hanggang ngayon pag na iisip ko yung mga nangyari noon, hindi pa rin ako makapaniwala.

Na ang isang pulis na tulad ko ay tumulong sa mga--wait, kriminal ba sila?

Hindi naman kasi sila yung---

"PAMELA!!!!"

-___-

Bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Hindi na ako lumingon dahil kita yun sa salamin ko.

"Sabi na nga ba. Minamahal mo nanaman yang sarili mo sa salamin. Tss, lumabas ka na nga naka luto na ako ng almusal."

Naitaas ko ang isang kilay ko.

"Opo ate Charlotte!"

Sarkastiko kong sabi.

Tinarayan niya lang ako bago siya lumabas.

Kakaiba talaga ang batang yun.

Ewan ko ba kung bakit sinunod ko ang utos ng kuya niya na alagaan ko siya.

"PAMELA!!!"

"OO NA!! ETO NA! LALABAS NA OH!!!"

At sa loob din ng walong taong ay puro sigawan, at asaran lang kami sa isa't isa.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na.

Na abutan ko si Charlotte na naka tayo sa tapat ng mesa at may inaayos na pagkain sa baonan.

Umupo na ako at uminom muna ng kape bago ako magsalita.

"Charlotte, walang dalaw ngayon."

Nakita ko naman na napa nguso siya at bahagyang napa simangot.

"Alam ko."

Sagot niya.

Alam naman pala niya, bakit nag babalot pa siya.

Ahh para sa akin siguro.

"Lot, kakain kami sa labas ni Erick. Manlilibre daw siya kaya wag mo na akong ipagbalot."

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon