"Pam!"Natigil si Pamela sa pag aayos ng kanyang gamit ng bumukas ang pinto at naka ngiting pumasok ang kaibigan niyang si Erick.
"Ano na naman?"
Pagtataray ni Pamela at itinuloy ang pagliligpit.
"Out of duty ka na hindi ba? Chill naman tayo. Sakto sahod."
Naka ngising sabi ni Erick.
"Pass na muna ako Erick. Gusto ko ng magpa hinga kaya kailangan ko ng umuwi, sumasakit ang ulo ko sa mga report na to."
"Kulang lang sa chill yan Pam! Tara na, tumawag ka na lang sa inyo."
"Next time na lang, kahit sagot ko na ang tubig."
Natatawang sabi ni Pamela na ikina simangot ni Erick.
"Alam mo Pam, na promote ka lang as chief inspector, snobber ka na."
Kinuha ni Pamela ang naka bilog na papel at natatawang ibinato kay Erick.
"Ang drama mo ha. Kailan ako naging snobber? Gusto ko lang talagang magpahinga ngayon. Tsaka tignan mo nga, makakapag chill ka ba ng umuulan? Yan nga ang perfect timing para makapag pahinga."
Sabi ni Pamela na naka tingin sa kanyang bintana.
Napa buga na lang ng hangin si Erick at tumango.
"Oo na! Oo na! Pero next time ha! Tatandaan ko yang sinabi mo."
"Oo, basta next time."
Ng matapos si Pamela sa pag aayos niya ng gamit ay muling bumukas ang pinto.
"Chief, pinapatawag ka ni General. Bilisan mo daw."
Nagka tinginan naman sila Pamela at Erick.
Ng ibalik ni Pamela ang tingin sa bagong dating, ay tinanguan niya eto bilang sagot at inilapag ang gamit sa kanyang mesa at nagmamadaling lumabas.
Pagdating niya sa tapat ng opisina ng General ay kumatok na muna siya, at ng may sumagot mula sa loob ay agad siyang pumasok.
Pagpasok niya ay naabutan niyang naka tayo ang general at pabalik balik eto sa paglalakad.
"Ninong, may problema ba?"
Tanong niya.
Hinarap naman siya ng General at tinignan siya ng seryoso.
"Yes! Do you see that red light?"
Tanong ng General habang naka turo sa pulang ilaw na nasa mesa neto.
Naikunot naman ni Pamela ang noo ng malaman kung ano ang pulang ilaw na yun.
"O-opo. Konektado ang ilaw na yan sa tracker na naka suot kay Marcus."
Sagot niya.
"At alam mo kung bakit umilaw yan?"
Hindi mapakaling tanong ng General.
Sandaling nag isip si Pamela at nanlake ang mata ng malaman ang sagot.
"Lumagpas si Marcus sa inilagay niyong distansya."
Mahina niyang sabi na tila naguguluhan din.
"Exactly! Ngayon lang umilaw yan! He's escaping Pamela dahil alam niyang muli siyang makukulong!"
Naikunot naman ni Pamela ang noo at muling tinignan ang General.
"H-hindi ninong...h-hindi niya magagawa yan.."
"Nagawa na niya!"
Napa pikit ng mariin si Pamela at muling nag salita.

BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
Hành độngEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]