Kira's POV
Pag bukas ko ng pinto, na abutan ko sila Saturn, Jasper at Henry sa sala.
"Where have you been?"
Seryosong tanong ni Saturn.
"Hunter."
Sagot ko.
Umiling siya at lumapit sa akin.
"Try again missy."
Inalis ko ang tingin sa kanya at tinignan sila Henry at Jasper.
"Whats with the faces? May nangyari ba?"
Tanong ko.
"May naka harap na hindi kilalang lalake si Saturn kagabi sa kwarto mo anak."
Naitaas ko ang isang kilay ko sa sinabi ni Henry at napa tingin ako kay Saturn na naka kunot pa din ang noo.
"Sino naman yun at anong ginawa sa kwarto ko?"
Tanong ko.
"Hindi ko kilala dahil may takip ang buong mukha niya, basta na abutan ko lang siya na may hinahanap sa mga gamit mo."
Ano naman ang hahanapin sa gamit ko?
"Baka magnanakaw lang."
Nilagpasan ko na siya pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko.
"Lang? Kung magnanakaw yun bakit sa kwarto mo? And he had a gun Kira!"
"Bakit ba natataranta ka? Ano ngayon kung may baril siya. Eh alam ko namang kayang kaya mo yun."
Napa buga siya ng hangin at napa hilamos gamit ang isang kamay.
"Hindi yun ang point ko! My point is bakit ang daming naghahabol sayo? Malakas ang kutob ko na hindi lang siya basta magnanakaw!"
"Madaming naghahabol sayo sis?"
"Anong ibig sabihin ni Saturn, anak?"
Lunapit na din sila Henry at Jasper.
At ngayon ay ako naman ang napa buga ng hangin.
"Pwedeng mamaya niyo na ako i-interrogate? Im damn tired."
Walang gana kong sabi sa kanila at nilagpasan na sila.
Pagdating ko sa hagdan ay naramdaman ko ang pag sunod ni Saturn sa likuran ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.
Siya na din ang nagsara ng pinto at patalon akong humiga sa kama ko.
"Finally."
Bulong ko at pumikit.
"Sinend ko kay Sakura ang finger print sa naiwan na baril ng lalake, ang result na lang ang hinihintay ko."
Agad kong naidilat ang mata ko at bumangon.
"Why did you do that?"
Tanong ko.
"Dahil gusto kong malaman kung sino ang taong yun! Ang tanging palatandaan ko lang sa kanya ay may maliit siyang balat sa kamay niya!"
*sigh*
"Saturn, magnanakaw lang--"
"Magnanakaw o hindi, kailangan kong malaman kung sino siya! Paano kung may kailangan talaga siya sayo? Sa lake ng bahay na to bakit dito siya sa kwarto mo? At pinanuod namin ang record ng cctv, pagkatapos niyang patulugin yung mga gwardiya dito agad siya sa kwarto mo nagpunta na parang alam ang pupuntahan niya at parang may pakay talaga siya dito!"
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]