Kira's POV
Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng opisina ko.
Sila Hunter, Violet, Ox at Amy lang ang narito.
But no sign of Saturn.
Ang sabi niya ay hindi daw siya pupunta dahil baka kung ano lang daw ang magawa niya.
Meron pa naman daw na dalawang anak si Carlos, bakit si Marcus pa daw ang na isip ko.
Tss.
Napitik ko tuloy ulit siya. Hindi kasi nag iisip.
Felix is suffering from amnesia, at kung naaalala niya pa si Carlos malamang wala akong makukuhang sagot sa kanya dahil huli na niya nalaman ang pagka tao ng ama niya.
Same as Celine, wala rin akong makukuhang sagot sa kanya. Dahil kung walang alam si Felix, posible ding walang alam si Celine.
And putting them in my situation right now, is a big no no.
At si Knightly naman, bago ako mag punta sa lab ay nag punta ako sa hotel na tinutuluyan niya.
Pero lagpas dalawang oras na akong naghintay sa kanya sa labas ng pinto niya pero hindi niya ako nilabas.
Kaya ko pa naman maghintay pero kailangan kung magpunta dito sa lab at kitain sila.
This is the very first time na hindi niya ako pinansin.
*sigh*
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng may kumatok at bumukas iyon.
"Queen, nandito na sila."
Pagpapaalam ni Scar.
Tumango ako at nilakihan niya ang pag bukas ng pinto.
Umayos ako ng upo ng pumasok na ang kanina ko pang hinihintay na mga bisita.
"Pamela, Marcus have a seat."
Tinuro ko sa kanila ang mga bakanteng upuan.
"Hindi ko alam na may pagawaan pala ng baril sa ilalim ng syudad. Ang laki ng laboratoryo mo ha. Legal ba ang--"
Natigil si Pamela sa pagsasalita ng ituro ko gamit ang hinlalake ko ang mga papeles na naka dikit sa dingding.
"A-ahh buti naman---t-teka! I-ikaw yung dean di ba?? At ikaw?!!"
Napa tayo siya at tinuro sila Hunter at Violet.
"Anong---sabi na nga ba at parang pamilyar ang mga mukha niyo eh! Naka sama ko na rin kayo noon!! Di ba doon ako tumuloy sa pad mo noon dean? Tsk! Bakit ba hindi ko agad kayo nakilala!"
Napa ngiti na lang si Hunter at ganun din si Violet.
Sumeryoso naman ang lahat ng mag fake cough si Amy.
"Pamela right?"
Tanong ni Amy na tinanguan ni Pamela.
"Please tell us kung paano ang set up niyo kay Marcus."
Muling tanong niya.
"Uhmm napag usapan namin ni ninong--ni general na sa bahay ko siya tutuloy. At nilagyan namin siya ng anklet na may tracker. May limit lang ang layo ng pwede niyang paroonan, kapag lumagpas siya, automatic na tutunog ang alarm na naka konekta sa opisina ng general dahil na din sa pribado ang ginawa namin at walang ibang nakakaalam. Ganun din kapag tinangka niyang tanggalin yun."
Sunod sunod na tumango si Amy pero ako ay naka tingin lang sa kanila.
"Alam namin na malaking tungkulin at mabigat na pasanin ang gagawin niyo. Kaya sila Violet at Ox ay tutulong para mabantayan si Marcus. Pero wag kayong mag alala dahil patago ang pagbabantay na gagawin nila. Wala naman sigurong problema sa iyo yun Marcus. Naiintindihan mo naman siguro na isa ka pa ding kriminal."

BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
AksiEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]