Chapter 47

6.7K 227 12
                                        


Third Person's POV

"He's the real Marcus dela Fuente."

Nanlalake ang mga matang binalik ni Marcus ang tingin kay Zeke.

"T-this can't be h-he's...he's dead."

Hindi makapaniwalang bulong ni Marcus at tumingin kay Loui.

"Loui he's dead. Pinapatay siya ng ama ko, hindi ba yun ang plano niya?"

Inayos ni Loui ang suot na salamin, lumapit siya kay Zeke at inayos ang ilang mga swero.

"Yes, alam ko yun boss. Pero hindi mo ba tatanungin kung saan ko nalaman ang tungkol sa kanya?"

Seryosong tanong ni Loui, na sinagot lamang ng tingin ni Marcus.

"Naka duty ako sa hospital ng makita ko si Miss Amy na nagmamadaling tumatakbo papunta sa emergency room. Remember her? Kaya sinundan ko siya, may kinakausap siya sa labas ng emergency room. Hindi ko siya makilala dahil nahaharangan siya ni Miss Amy. I'm about to leave when i heard about this man, and his real identity. Yes, pinapatay siya ni sir Carlos at iniutos niya iyon kay Emmanuel, ang kanyang kanang kamay. Pero hindi sinunod iyon ni Emmanuel, dahil nakokonsensya daw siya. Kaya iniwan niya ang sanggol na may agad namang naka kita. This birthmarked,"

Tinuro ni Loui ang marka na nasa kamao ni Zeke.

"This was his evidence. And you know that your marked was fake, para hindi sila magduda."

Pagpapa tuloy ni Loui.

Napatingin naman si Marcus sa kanyang kamao na may markang katulad kay Zeke.

"May iba pa silang pinag usapan pero hindi ko na narinig."

Tila ay parang nanghihina ang tuhod ni Marcus at paatras siyang nag lakad hanggang sa mapa upo siya.

Naipikit niya ng mariin ang kanyang mata at naihilamos ang mukha gamit ang kanyang kamay.

Bumuga siya ng hangin at nag tanong.

"Kung ganon nga, paano siya napunta sayo? Did you took him away?"

Muli niyang naibalik ang tingin kay Loui ng tumawa eto ng mahina.

"No, dahil sa nanghihina siya kaya madali ko siyang nasundan. Pero mukhang ayaw lang niya sa mga dela Fuente."

Naikunot naman ni Marcus ang kanyang noo.

"Well, hindi ko alam kung alam ba niya ang tungkol sa pagkatao niya. I don't know, at hindi ko din alam kung bakit siya tumakas bago pa dumating sila ma'am Elizabeth at sir Henry. But all i know is, ma'am Elizabeth was hurt maybe because she was expecting to see her real first son. Boss i can tell she was hurt, it was written all over her face ng umalis sila sa hospital."

Ng ipag tapat ni Loui ang tungkol sa naramdaman ng dating ina, ay nakaramdam ng awa si Marcus.

Naka kuyom ang mga kamay na tumayo siya, muli siyang lumapit  kay Zeke at seryoso etong pinagmasdan.


~~~~~~~~~~~

Pamela's POV

Ang tagal naman ni Marcus.

Parang kanina pa yun umalis ng may liwanag pa, ngayon madilim na. Saan nanaman kaya nag tungo yun.

"Ok na Pamela."

Naputol ang pag iisip ko ng mag salita si Charlotte.

Pinagmasdan ko naman yung panyong nilagay niya sa braso ko.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon