Chapter 34

7.8K 240 39
                                    


Kira's POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong may humahaplos ng buhok ko.

Pagdilat ko si Elizabeth pala.

"I'm sorry iha, did i wake you up?"

Bahagya siyang umatras at nagtanong.

Tumingin ako sa glass door ko, maliwanag na pala.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at tinignan siya.

"It's ok. What are you doing here?"

Umayos siya ng upo at pinakita niya sa akin ang isang bowl na may lamang tubig at pamunas.

"Pinunasan lang kita iha, at ginamot ang ilang galos mo."

Tumango naman ako bilang sagot.

Napa tingin ako sa kamay ko ng hawakan niya yun.

"Thank you so much iha. Hindi ko na alam kung paano pa makaka bawi sayo. Sa lahat ng tulong na ginagawa mo. Sa pag protekta sa pamilya na to. Thank you."

Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti.

Aaminin kong naiilang ako.

Sa tuwing kaming dalawa lang ni Elizabeth, nakakaramdam talaga ako ng ilang.

Nag fake cough ako at hinila ang kamay kong hawak pa din niya.

"S-si Ashton, kamusta siya?"

Tanong ko.

"Pina tingin namin siya sa doktor iha para maka sigurado tayong walang naging problema sa kanya. And after that, your dad gave him a learning lesson. He's grounded."

Napa ngiti siya ng alanganin.

Ako naman ay napa ngisi at napa iling.

I know that he already learned his lessons.

"How about Saturn?"

Tanong ko.

"Oh! Pumasok na pero pinapasabi niya na susunduin ka daw niya mamaya."

Naikunot ko naman ang noo ko.

"Why?"

Tanong ko ulit.

"Hindi naman niya nasabi."

Naitaas ko ang isang kilay ko at alanganin na lang na tumango.

"Ipapahanda ko na ang almusal mo iha, hihintayin kita sa baba."

Tumayo na siya at kinuha ang bowl.

"Ok."

Pagka sagot ko ay ngumiti siya at tinalikuran na ako.

Pagka sara niya ng pinto ay pabagsak akong humiga.

"Ano nanaman kaya ang binabalak ni Saturn. Tss, and i need to buy a new phone pala."

~~~~~~

Pamela's POV

"Kuya kumain ka ng madami ha! Para mabalik sa dating pagka macho yang katawan mo. Tsaka tsaka! Para may energy ka pag nagpunta tayo sa mall!!"

Paglabas ko ng kwarto ko eto na agad ang na abutan ko.

Panay ang lagay ni Charlotte ng pagkain sa plato ng kuya niya na napapa ngiti na lang habang umiiling.

"Lot, hindi pa kakatayin ang kuya mo."

Sabi ko pagka upo ko sa tapat nila.

"Tss, kumain ka na nga lang dyan!"

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon