Chapter 69

6.5K 205 20
                                    

Sabay sabay na sumugod si Kira at ang kanyang mga kasamahan.

Bawat makikitang kalaban ay hindi nakaka lagpas sa kanyang bala.

Mabilis ang kanyang pagkilos upang maiwasan ang mga balang paparating sa kanya.

Sa huling pag iwas niya ay tumalon siya ng mataas, habang nasa ere ay muli niyang itinutok ang hawak na baril at pinaputukan ang mga kalaban na nasa ibaba niya.

Lumapag siya sa isang kalaban at kasabay niya ang pag bagsak neto, habang naka tapak sa dibdib.

Itinutok niya ang baril sa noo ng kalaban at ipinutok.

Napa angat siya ng tingin ng maramdaman na may paparating sa kanyang unahan.

Pag tingin niya ay may dalawang patalim ang tatama sa kanya.

Kaya patalikod siyang umikot ng sunod sunod, at para sa kanyang huling ikot at habang nasa ere ay kinuha niya ang dalawang patalim.

Pag lapag niya ay ibinato niya pabalik ang nakuhang patalim at bumaon iyon sa dibdib ng pinagmulan.

~~

"Jasper behind you!!"

Sigaw ni Lucy.

Agad namang tumingin si Jasper sa kanyang likuran at naunahan na paputukan ang kanyang kalaban.

Ng bumagsak ang kalaban ay agad na nilapitan ni Jasper si Lucy.

"Dito ka."

Hinila ni Jasper si Lucy sa mga mesang naka tumba.

"Magtago ka diyan, at wag na wag kang lalabas kahit anong mangyari. Naiintindihan mo?!"

Tumango ng sunod sunod si Lucy bilang sagot.

Nilingon naman ni Jasper ang ibang mga kasamahan.

Nakita niya si Felix na nagtatago sa likod ng malakeng poste habang iniiwasan ang mga kalaban na pinapaputukan siya.

Kaya itinutok niya ang hawak na baril at isa isang pinaputukan ang mga bumabaril kay Felix.

Naikunot ni Felix ang noo ng makitang bumagsak ang mga kalaban niya kaya hinahanap niya ang may gawa nun.

Nakita naman niya si Jasper na naka ngisi sa kanya, at ng malaman na ang kaibigan ang may gawa ay nginisian din niya eto at tinanguan.

Ngunit nawala ang pagkaka ngisi ni Felix ng makitang may dalawang kalaban sa likuran ni Jasper at tinutukan eto ng baril.

Kaya inangat din niya ang hawak na baril at kakalabitin na sana ang gatilyo ng biglang bumagsak ang dalawang kalaban.

Nanlalake naman ang matang nilingon ni Jasper ang kanyang likuran at makita ang dalawang bagsak na kalaban.

Pag tingin niya kung sino ang may gawa nun ay nakita niyang si Zeke na blangkong naka tingin sa kanya.

Magpapasalamat sana siya ng bigla etong tumalikod at naglakad palayo sa kanya.

~~

"Hindi to maganda! Dalawa na lang ang bala ko!"

Inis na sigaw ni Saturn na naka tago sa likod ng bumagsak na malaking pader.

"Saturn catch!"

Nilingon ni Saturn ang pag tawag ni Knightly hindi kalayuan sa kanya at nakitang nag bato eto ng magasin.

Kaya inangat niya ang hawak na baril, pagka angat niya ay saktong pumasok ang magasin sa kanyang baril at ikinasa.

"Alright! Rock n roll again!!"

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon