Chapter 26

8.2K 221 33
                                    

This chapter is dedicated to Shuttap135 :)

~~~~~


Natigil ang musika at nagsimulang magka gulo ang mga tao sa loob ng hotel.

Nagka tinginan naman sila Felix at Kira. Ngunit naputol din ang tinginan nila ng hawakan ni Knightly ang braso ni Kira.

"We have to evacuate all of them."

Seryosong sabi ni Knightly patungkol sa mga sibilyan.

Tumango si Kira at tatakbo na sana ng pigilan siya ni Felix.

"I'm going with you!"

Maotoridad na sabi ni Felix at hihilain na sana si Kira ng pumalag eto.

"No! Kailangan nating maghi hiwalay! Madami ang mga ilalayo nating mga tao."

Magsasalita pa sana si Felix ng tignan siya ng masama ni Kira.

Napatingin naman si Felix kay Knightly na naka tingin sa kanya.

Napa buga siya ng hangin at tumango.

"Ok, but be careful."

Nag aalalang sabi ni Felix at hinalikan sa noo si Kira. At pagka tapos ay tinignan niyang muli si Knightly.

Tumango si Kira at tinignan din si Knightly, hinawakan niya ang braso neto at tumakbo palayo sa dalawa na nagsusukatan ng tingin.

Si Knightly ang unang nag alis ng tingin at tumakbo papunta sa kabilang gawi.

Sinundan naman siya ng tingin ni Felix at tumakbo na din papunta sa ibang direksyon.

~~

Sa labas naman ng hotel ay patuloy lang sa pakikipag palitan ng putok si Pamela at ilang mga pulis.

"REQUESTING----bwisit! REQUESTING FOR  BACK UP AT THE **** HOTEL!! I REPEAT! BACK UP AT THE **** HOTEL!!"

Hinawakan ni Pamela ng mahigpit ang kanyang baril at sabay na tumayo at nakipag palitan ng putok.

"Anak ng! Saan ba nanggagaling ang mga to?!!"

Muli siyang nag tago ng maubusan siya ng bala.

Ng makapag palit siya ng magasin ay muli siyang nakipag palitan ng putok at nanlake ang mata niya ng makita ang kasamahang pulis na si Erick na tumumba.

"Erick!--ikaw cover me!"

Utos niya sa katabing pulis at tumakbo ng mabilis papunta sa kaibigan.

"Erick!"

Tinulungan ni Pamela na maka tayo si Erick habang nakikipag palitan ng putok.

"Mauna ka na Pam!"

"Manahimik ka!"

Dinoble ni Pamela ang bilis sa pag lakad habang akay akay ang kaibigan hanggang sa makarating sila sa likod ng sasakyan.

Nag squat si Pamela sa harapan ni Erick at tinignan ang tama neto sa balikat.

Hinawakan ni Erick ang kamay ni Pamela kaya natagil eto sa pagtingin.

"S-sige na, malayo to sa bituka. May mga tao sa loob ng hotel."

Kahit labag man sa loob ni Pamela na iwan ang kaibigan, tumango na lamang siya at tatayo na sana ng bigla ulit siyang napa yuko ng tamaan ng bala at tumumba ang katabi nilang pulis.

"Bwisit!"

Inis na bulong ni Pamela.

Kahit na nahihirapan ay pinilit na maka tayo ni Erick at nakipag palitan ng putok.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon