Third Person's POV
Nahinto si Charlotte sa pag suklay ng biglang pumasok sa isipan niya ang nangyaring habulan.
"Bakit ako ang kailangan nila?"
Bulong niya sa kanyang sarili.
"Wala naman akong ginawa. Hindi ko rin sila kila--hala! Hindi kaya kampon sila ni majimbu??! Kaso ang sabi ni Pamela, nagpa kulong daw ng kusa ang mga yun. Kaya malabong sila ulit. Tss, hindi kaya napagkamalan lang nila ako? Sa ganda ko naman kasing to eh. Chos lang!"
Itinuloy niya ang pag susuklay sa buhok, at ng matapos ay sunod niyang ininspeksyon ang sarili kung may galos man siya o makikitang ebidensya na galing sa habulan.
At ng makita niyang ayos ang kanyang itsura at walang anumang galos ay napag desisyunan na niyang lumabas ng kanyang kwarto at balikan ang pinag hintay na si Usher.
Naka ngiti siyang lumabas sa kanyang silid, at ng makalabas ay lalong lumaki ang kanyang pag ngiti ng makita ang kanyang kuya na naka upo at tila malalim ang iniisip.
"Kuya!"
Masaya niyang tawag at naglakad.
Ngunit naging mabagal ang kanyang pag lakad ng mapansin na hindi niya makita si Usher.
"Kuya, nasaan si--hala!"
Nagulat si Charlotte ng makita ang basag na frame, kaya agad niya iyong nilapitan.
"Bakit nabasag to."
Bulong niya sa kanyang sarili.
"Kuya."
Nilingon niya si Marcus habang isa isa niyang pinagsasama ang mga malalaking bubog.
"Nakita mo ba yung kaibigan ko? Si Usher? Tss, asan kaya yun?"
Ng marinig ni Marcus ang pangalan ni Usher ay tila nabuhusan siya ng malamig na tubig.
Kaya tumayo siya at nilapitan ang kapatid.
"Charlotte."
Hinawakan niya ang kamay ng kapatid at pinatayo.
"Teka kuya, siya ba ang naka basag neto? Ayts! Tukmol talaga yun, ako pinag linis ng kalat! Ang bilis tumakas!"
"C-charlotte."
Naikunot ni Charlotte ang noo dahil sa tono ng pananalita ng kanyang kuya.
"Bakit kuya? Ok ka lang?"
Takang tanong ni Charlotte.
Ngunit hindi ang tanong na yun ang sinagot ni Marcus.
"Paano kayo nagka kilala?"
"Si Usher? Schoolmate ko siya kuya tsaka yung kambal niya na si Ashton."
Lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ni Marcus.
Bumuga siya ng napaka lalim na hangin bago muling magsalita.
"Charlotte, may hihingiing pabor si kuya."
Muling naikunot ni Charlotte ang noo ngunit agad din iyong napalitan ng ngiti.
"Sure kuya, ano yun?"
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]
