Chapter 7

9.6K 271 21
                                    


Third Person's POV

"Art, don't be sad na. Madami naman tong natira sa atin. Malaki pa din ang halaga ng mga to."

Natigil sa pag susuot si Venus ng mga ninakaw na alahas ng mapansin na mula pagdating nila ay tulala at tila malalim ang iniisip ng kasamahan.

Napa buga siya ng hangin ng hindi siya pansinin.

"Hoy Artemis! Wag ka na sabing malungkot dyan!"

Sabi ni Venus ng makalapit siya kay Artemis.

Inalis pa niya ang suot na mahabang kwintas at isinuot eto sa kasamahan, na naging dahilan upang maputol eto sa malalim na pag iisip.

"Venus nakita mo ba yung babae kanina?"

Walang ganang tanong neto.

Napakunot naman ng noo si Venus sa tanong na yun.

"Sino?"

"Yung isa sa mga humabol sa atin."

Nanlake ang mata ni Venus ng maintindihan niya ang tanong sa kanya, at bigla etong sumimangot.

"Yung babaeng yun?!! Tss hinding hindi ko siya makakalimutan no! Hanggang ngayon ang sakit sakit pa din ng ilong ko at namumula pa rin oh, grrr!!!"

Padabog na tumayo si Venus at muling bumalik sa tapat ng salamin, at halos mangiyak ngiyak habang pinagmamasdan ang mukha.

Napa iling na lamang si Artemis at uminom sa hawak na bote ng alak.

"Naku!!! May araw din siya sa akin! Mata niya lang ang walang latay, mag mumumog talaga siya ng ngipin niya!! Tss, kailangan ko tuloy pumunta sa derma ko para ma check to."

Gigil na sabi ni Venus habang pumapadyak ang isang paa.

"Ang tapang mo ha. Baka naman pag nagkita ulit kayo, lunukin mo lahat ng banta mo sa kanya."

Seryosong sabi ni Artemis.

Naitaas naman ni Venus ang kanyang isang kilay at tinignan ang repleksyon ni Artemis sa salamin.

"At bakit ko naman babawiin? Hindi lang ako makaporma kanina dahil may mga guards din na humahabol sa atin. Kaya pag nagkita talaga kami, babawian ko siya!"

"Kahit na isa siyang mafia boss?"

Natigil sa pag tingin si Venus sa kanyang ilong at bigla siyang nakaramdam ng kaba.

"M-mafia boss? P-paano mo naman nalaman yan?"

Nauutal niyang sabi.

"Yung pinakita mong picture sa akin, na galing sa wallet nung koreanong ninakawan mo. Napansin ko na pamilyar ang mukha ng isa sa kanila, hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Pero kanina, ng magka harap kami at makita siya ng malapitan. Bigla ko ng na alala na siya yung babaeng naka talo noon kay Scar, yung malaking lalake na lagi kung tinatayaan ng pusta. Mula noon naging usap usapan na siya ng mga naka saksi, at meron pang usapan na siya daw ang tunay na tagapag mana ng Veilleux organization at pumatay kay Car---M-manuel."

Natatarantang tumayo si Artemis at hinarap ang hindi katandaang  lalake na bagong dating.

Nagtaka naman si Venus sa ikinilos ng kasamahan.

"Anong pinag uusapan niyo?"

Tanong ng lalake.

"Yung babae kanina sa mall, sabi ni Art siya daw yung---"

Sagot ni Venus pero natigil siya ng biglang magsalita si Artemis.

"A-akala ko siya yung kakilala ko. N-nagkamali pala ako."

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon