Chapter 13

8.2K 246 7
                                    


Kira's POV

"I need your help."

Tinignan ko siya diretso sa mata at ganun din siya.

Muli siyang nagsalita ng hindi ako sumagot.

"Hindi ko alam kung narinig mo na ang tungkol dito, pero there's this criminal na tinatawag nilang lady in red. She can kill brutally and i need your help to catch her."

Lady in red?

Hindi nga pamilyar sa akin yun.

"What makes you think that i will help you?"

Tanong ko.

Imbes na sumagot ay may kinuha siya sa bulsa niya at ipinakita sa akin ang isang usb.

"Nandito ang kopya ng mga cctv, at nakunan lahat lahat ng pangyayari kanina."

Umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng isang kilay.

"Why don't you surrender it? Imbes na dito ka pumunta at ipakita sa akin yan."

Seryoso kong sabi at tinalikuran na siya.

Sasakay na sana ako sa kotse ko ng mag salita ulit siya na ikina tigil ko.

"Kasama sa nakuhaan ang kapatid mo. Kung isusurrender ko to, madadamay siya. At sa tingin ko naman, ayaw mong mangyari yun."

Napa tingin ako sa ibang gawi at napa ngisi.

Hinarap ko na siya habang naka ngisi pa rin ako.

"Are you trying to blackmail me?"

Tanong ko.

"Kung kaya lang ng mga pulis na mahuli ang lady in red na yun, hindi na ako lalapit sayo at hihingi ng tulong. Pero kung kailangan kong iblackmail ka, para pumayag ka lang. I will do it."

Maotoridad niyang sabi at nagsukatan kami ng tingin.

"Follow me."

Sabi ko at sinara ang pinto ng kotse ko at bumalik sa loob.

"Anong gagawin mo?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya, diretso lang ang lakad ko sa loob ng garahe.

Hindi na ulit siya nag tanong at tahimik na lang siyang sumunod sa akin.

Huminto ako sa pinaka dulo netong garahe at sa harapan ng may naka takip na itim na tela.

Inalis ko ang tela na tumatakip at napa ngisi ako.

Hinawakan ko iyon at hindi ko inaasahan na malinis yun at mukhang bago kahit na ilang taon na to.

Napa ngisi ako habang napapa iling.

"Usher."

Bulong ko.

Kaninang umaga, hindi ko akalain na marunong siya magmaneho ng motor.

At ngayong nakita kong maayos ang motor ko, si Usher agad ang pumasok sa isip ko.

"Anong gagawin mo diyan? May sasakyan ka di ba?"

Tanong niya. Lumapit ako sa cabinet at kinuha ang isang helmet.

Hinarap ko siya at hinagis sa kanya ang helmet na nasalo naman niya.

"Its more convinient."

Walang gana kong sabi at sumakay na sa motor ko.

Binuhay ko ang makina at muling napa ngisi dahil maganda pa rin ang tunog.

Mukhang inalagaan ng mabuti to ni Usher.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon