This chapter is dedicated to jenconzon hi to you!! :) :)
----------------------------------------
Pamela's POV
"Lot! Kain na tayo gutom na ako!"
Ano ba ang ginagawa ng batang yun at ayaw pang lumabas?
*sigh*
Naka ilang tawag na eh.
"Charlo--"
"Eto na!"
Lumabas na siya ng kwarto niya pero naka tutok pa din siya sa hawak niyang laptop.
"Kung may assignment ka, mamaya mo na gawin. Kumain ka na muna."
"Wala akong assignment."
Sabi niya ng maka upo at nilapag ang laptop sa mesa.
"Kung wala, mamaya na yan."
Nilagyan ko ng kanin ang plato niya, napa tingin naman siya sa akin at sinara na ang laptop niya.
"Ano ba kasing pinagkaka abalahan mo?"
Tanong ko, parang ang sama kasi ng loob.
"Nagreresearch ako kung paano humingi ng sorry."
Natigil ako sa pag lagay ng ulam sa plato ko at naka ngiting tinignan si Charlotte.
"Lot, hindi mo naman kailangan mag sorry sa akin. Naiintindihan ko na pasaway talaga ang mga kabataan ngayon, it's part of growing up. Tsaka hindi naman ganun kalake ang nagagawa mong kalokohan para humingi ng sorry. Kaya ayos lang."
Inangat niya ang tingin niya at naka kunot ang noong tinignan ako.
"Kasama ba sa pagpupulis ang pagiging makapal ang mukha?"
Walang gana niyang tanong.
"Hindi ako sayo hihingi ng sorry! Tss, yung nasuntok ko."
Naitaas ko ang isang kilay ko ng malamang hindi pala siya sa akin mag sosorry.
Pero lalong tumaas ang kilay ko ng malamang hihingi siya ng sorry sa nasuntok niya!
"Wow, nilalagnat ka ba?"
Natatawa kong sabi at nilagay ang likod ng kamay ko sa noo niya pero umiwas lang siya at tinignan nanaman ako ng masama.
"Tumigil ka nga Pamela! Hihingi ako ng sorry, dahil mali ang nasuntok ko!!"
Natigil ako sa pag tawa.
"Anong ibig mong sabihin? Maling tao ang nasuntok mo?! Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Sa huli ikaw din ang malalagot! Pinapa tawag na ba ako? Kailangan ko bang---hmm"
"Pwedeng magpaliwanag? Tss."
Nilunok ko muna yung sinubo niyang kanin sa bibig ko tsaka ako tumango at uminom.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]