Kira's POV
Pag angat ko sa pool galing sa ilalim, nakita ko si Saturn na naka tayo sa gilid at hawak ang roba ko.
Inilahad niya ang isa niyang kamay, inabot ko yun at tinulungan niya akong umahon.
Pag ahon ko ay inabot niya sa akin ang roba ko at tinalikuran na ako.
Napa buga ako ng hangin at hinabol siya.
"Saturn."
Ipinag cross ko ang braso ko sa braso niya.
Huminto naman siya at tumingin sa akin.
Mula ng matapos ang meeting namin nila Hunter, hanggang sa maka uwi kami ay ganito na siya hindi nanaman niya ako pinapansin.
"Babalik na lang ako sa france kung hindi mo ako papansin."
Banta ko.
"Mas maganda nga sigurong bumalik ka na lang sa france. Kasi doon malamang hindi malalagay sa panganib ang buhay mo."
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.
Inalis niya ang braso kong naka cross sa braso niya at tinalikuran na ako.
*sigh*
Wala na akong magagawa.
Tumakbo ako papunta sa kanya at itinulak siya sa mesa.
Tinapakan ko ang likod niya at hinila ang kaliwang braso niya.
"ARAAAAYYY!!! KIRA!!"
"Papansinin mo ako o babaliin ko tong braso mo?!"
"Aray! Aray! Papansinin na! Papansinin na kita!!"
Sunod sunod niyang hinampas ang isa niyang kamay sa mesa.
Binitawan ko na din siya at nag cross arms habang nakatingin sa kanya at naka taas ang isa kong kilay.
Umayos na siya ng tayo at humarap sa akin habang naka simangot at hawak hawak ang brasong hinila ko.
"Tss. Ikaw na nga tong may kasalanan, ikaw pa nanakit."
Bulong niya.
Napa buga naman ako ng hangin.
"We know that Vlad is trying to take my position and my organization, and he's after my life. The unknown guy, we are clueless about him but he's after my life too. And that lady in red, kahit na isang beses pa lang kaming nagkakaharap parang ang laki na ng galit niya sa akin at bukod sa kakampi siya ni Vlad, she's after my life too. Three predators are hunting me to take me down. Hindi ko nasasabi sayo lahat, but that doesn't mean that you're out of my team. Ikaw na ang nagsabi na tayo ang original. And that will never change, what ever happens. Ang akin lang, im trying to give you a normal life which im pretty sure, Eve will agree with me if she's still alive. Pero tulad ng sabi ko you're still part of my team, but you can't stop and fulfill your dreams just because of this."
Mahabang paliwanag ko.
"Alam ko naman yan lahat. Siguro hindi lang ako sanay na hindi mo na sa akin unang sinasabi lahat at pag may mga lakad ka or gagawin, iba na ang kasama mo. Im sorry, im being too--"
"You don't have to say sorry."
Bahagya akong ngumiti at inilahad ang dalawa kong kamay.
Ngumiti na rin siya at niyakap ako.
"Hunter and i will meet again, we're going to talk about this last ally. May nasabi kasi siya sa akin tungkol sa huling ka alyansa. Gusto mong sumama?"
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]