Kira's POV
Mula ng ma upo ako sa tapat niya, ni isa sa amin ay walang nag sasalita.
"Staring contest ba to? Sino na nanalo?"
Sarkastikong sabi ni Pamela.
Kita ko sa gilid ng mata ko na siniko siya ng ninong niya.
"Eh hindi nag uusap!"
Mahina niyang sigaw.
Tumayo si general at tinignan ako.
"Bibigyan ko kayo ng limang minuto lang para makapag usap. Pagkatapos nun ay babalikan namin kayo."
Sabi niya pero hindi ko siya tinapunan ng tingin maski si Marcus.
"Ninong--"
"Tara na."
Hinila ni general si Pamela papunta sa kabilang mesa na sapat lang ang layo sa amin.
Tapos na ang oras ng dalaw kaya kaming apat na lang ang tao dito.
"Hindi ko inaasahan ang pag bisita mo. Kamusta sila?"
Siya ang unang nagsalita.
"Mabuti."
Walang gana kong sagot.
Bahagya siyang tumawa kasabay ng pag iling.
"Hindi ka pa din nagbabago."
Pasimple ko namang naitaas ang kilay ko.
"There is no reason for me to change."
Hindi siya sumagot, pinagmasdan niya lang ako at muli kaming nabalot ng sandaling katahimikan.
"How well do you know your father?"
Basag ko sa katahimikan.
Halata namang hindi niya inaasahan ang tanong ko.
"Hindi ako malapit sa kanya. Hindi ama at anak ang turingan naman sa isa't-isa. Bakit tinatanong mo? Patay na siya hindi ba?"
"Patay na nga siya. Pero malaking lamat ang iniwan niya."
"As expected."
Bulong niya at ngumisi.
"Ang sabi mo noon, kaya ka lamang nagpapa gamit sa kanya ay dahil may kailangan kang makuha sa kanya. Ang posisyon ba? O ang yaman?"
Muli siyang ngumisi at umiling.
"I'm not after the position nor your family's wealth. I don't care about that. Kung ano man ang habol ko sa kanya noon, ay higit pa sa sinabi mo."
Hindi ko pinahalata na naguluhan ako sa sinabi niya.
Pero kung hindi naman ang posisyon at kayamanan ng pamilya ko ang habol niya, sapat na yun para hindi siya pilitin pang sumagot.
"I asked you if how well you know your father. Dahil kung kilalang kilala mo siya. Masasagot mo ang itatanong ko. Pero ang sabi mo nga hindi kayo malapit sa isa't isa. Gayunpaman, hindi naman ako nagpunta dito para alamin ang relasyon niyong mag ama. I went here to ask you, where can i find Emmanuel? Your father's right hand."
Nahalata kong hindi nanaman niya inasahan ang tinanong ko.
"Why?"
Tanong niya.
"I asked you first."
Sumandal siya sa kanyang upuan at bumuga ng hangin.
"I know him, pero bata pa ako ng umalis si Emmanuel sa grupo ni Carlos. At hindi ko na alam kung nasaan siya. Paano mo pala siya nakilala?"
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]