This chapter is dedicated to parkz_jiminz
------------------
"BAKIT ANG TAGAL NILA!!!!"
Naiinip na sigaw ni Saturn habang naka sandal at iniikot ikot ang kanyang inuupuan.
Naka taas naman ang isang kilay na tinignan ni Kira ang kaibigan.
"Kailan ka pa naging uhaw sa alak?"
Blangkong tanong niya at ibinalik ang tingin sa kanyang binabasa.
Huminto naman sa pag iikot si Saturn at humarap kay Kira.
"Grabe ka naman! Hindi naman yun ang hinihintay ko. Yung dalawa! Baka kasi nag wrestling na yung dalawang yun sa daan."
Hindi na lamang iyon pinansin ni Kira, kaya't binalot sila ng katahimikan. Ngunit binasag din yun ni Saturn ng siya ay mag salita.
"Alam mo bang naka tingin lang ako kay Knightly habang nagsasalita ka."
Sabi niya habang naka sandal at naka tingin sa itaas.
Napa hinto naman sa pagbabasa si Kira ngunit agad ding naka bawi.
"Hindi naman sa hindi ako boto kay Felix. Parang kapatid ko na kasi si Knightly, kaya medyo nasaktan din ako ng makita sa mata niya yung sakit na tinatago niya. Gusto ko din naman siya para sayo, kasi mas kilala ko siya. Pero, gusto ko namang maging masaya ka. At alam kong kay Felix mo nararamdaman yun, well in a romantic way. Iba yung saya na nararamdaman mo kay Knightly at sa aming mga kaibigan mo"
Napa buga ng hangin si Saturn at muling nag salita.
"Bakit hindi mo pa kasi aminin sa kanya ang totoo?"
"Anong totoo?"
Tila blangkong tanong din ni Kira.
Tumayo naman si Saturn at lumapit kay Kira, pag lapit niya ay umupo siya sa mesa at pinaglaruan sa kamay ang nakuhang ballpen.
"Yung totoo na, matagal ka na niyang kilala. Na matagal na kayong may pagkakaintindihan, yung tinatawag na MU."
Naikunot naman ni Kira ang noo ng tumingin sa kaibigan.
"Anong MU?"
Takang tanong niya.
Tinignan naman siya ni Saturn na parang hindi makapaniwala.
"MU? Hindi mo alam? Tsk!"
"Kaya nga nagtatanong."
Mataray na sagot ni Kira.
"MU! Matampuhing Unggoy!!"
Natatawang sagot ni Saturn kaya sinamaan siya ng tingin ni Kira.
"Pero, kidding aside Kira. Bakit hindi mo aminin sa kanya?"
Biglang seryosong tanong muli ni Saturn.
"I don't know."
Blangkong sagot ni Kira.
"Anong you don't know?"
Ibinaba ni Kira ang binabasa at walang ganang tinignan si Saturn at muling sumagot.
"Because i'm waiting for the day that he will remember me, without me saying anything."
Muling naikunot ni Saturn ang noo.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]