Chapter 38

7K 197 31
                                    

Kira's POV

Pagka angat ko mula sa pool ay napa tingin ako sa tuwalyang naka lahad sa harapan ko.

Pag tingin ko ay si Henry pala.

Tuluyan na akong umahon at kinuha ang tuwalya ko.

Umalis siya sa harapan ko at nag tungo sa mesa.

Pag balik niya ay may hawak na siyang baso na may lamang gatas.

"Naisip ko kasi na ni minsan hindi pa pala kita natitimplahan ng gatas."

Sabi niya ng naka ngiti.

Sa totoo lang, i don't drink milk.

Pero sa ngiti niya, its hard to break his feeling now.

Kaya kinuha ko na lang yun at uminom.

Habang umiinom ay naglalakad ako papunta sa upuan, inilapag ko ang baso sa katabing mesa at umupo ganun din siya.

Saglit kaming binalot ng katahimikan.

"You know, you can tell your problem to me."

Naka kunot ang noo kong nilingon siya na naka tingin lang sa harapan.

Nilingon na niya ako at ngumiti.

"Hindi lang naman ang mga ina ang ay may instinct. Meron din kaming father's instinct."

"Tss."

Hindi ako sanay na mag open sa kanya, dahil ngayon lang naman kami nagka oras ng ganito.

Pero siguro nga, pwede ko namang sabihin sa kanya.

"It's about Knightly."

Sabi ko.

Naitaas ko ang isang kilay ko ng marinig ko siyang tumawa ng mahina.

"So finally, nalaman mo na din."

"What do you mean?"

"Aside of i'm also a man. I'm your father. Noon pa man, alam ko ng hindi lang kaibigan ang tingin niya sayo."

Tss.

Ako ba talaga ang hindi nakaka pansin noon pa?

Ganun na ba talaga ako kamanhid o talagang ang pag iisip ko noon ay nasa pag hihigante lang kaya hindi ko iyon napansin.

"Why he didn't tell me?"

Tanong ko.

Bakit hindi niya sinabi sa akin nung una pa lang.

"Ang laging sinasagot dyan, maybe he has a reasons. Maybe, just maybe that he's afraid that if he tells you his feelings, you two might break your friendship. Pwede rin na natatakot siya sa magiging sagot mo. Hmm..pwede rin na nakikita niya na may iba kang napapansin."

Napa tingin ako sa huli niyang sinabi.

"Napapansin?"

Takang tanong ko.

Tinignan naman niya ako ng naka ngiti.

"Gusto mo bang ako ang sumagot niyan?"

Maka hulugan na tanong niya.

"Sa tingin mo, ano ang nakikita niya na posibleng maging harang sa pag amin niya sayo?"

Muling tanong niya.

Merong nga ba?

Sa gitna ng pag iisip ko biglang pumasok sa isip ko si..

"Felix."

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon