Chapter 10

9.2K 250 13
                                    

Third Person's POV

Pagka parada ni Felix ng kanyang sasakyan sa garahe ay lumabas na eto.

Habang naglalakad ay binabati siya at niyuyukuan ng mga kalalakihan na nagbabantay na may mga hawak hawak na armas.

Ngunit diretso lamang ang kanyang lakad habang nakapamulsa at ang kanyang tingin hanggang sa maka pasok siya sa loob ng malaking bahay.

Pagpasok niya ay muli siyang binati ng mga nag babantay sa loob.

At tulad sa mga nauna ay hindi niya din pinansin ang mga eto.

Nagtuloy tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa maka akyat siya sa hagdan.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pag akyat ay napa hinto siya ng mapansin ang matandang lalake na may hawak na tungkod na nag aabang sa kanya sa itaas.

Muli siyang nagtuloy sa paglalakad at huminto ng makarating sa itaas at sa tapat ng matandang lalake.

"Malalim na ang gabi. Saan ka nanggaling?"

Tanong ng matanda.

"May dinalaw lang."

Walang ganang sagot ni Felix.

Nilagpasan na niya ang matanda ngunit bago pa siya maka layo ay nag salitang muli ang matanda kaya napahinto siya.

"Maaga tayong aalis bukas. Death anniversary ng iyong ina. Makaka asa ba ako na sa pagkakataon na eto ay makaka sama na kita. Apo?"

Hindi sumagot si Felix at tuluyan ng naglakad palayo sa matanda.

Hinarap na siya ng matanda at sinusundan siya ng tingin hanggang sa pumasok na eto sa unang pinto at mawala sa kanyang paningin.


~~~~~~~~~~~~~

(Continuation of Ch 9)

"Ang totoong heiress ng Veilluex? May posibilidad din bang ikaw ang pumatay sa dating namumunong si Carlos?"

Naka ngising tanong ni Vlad.

"Hindi imposible yan."

Naka ngisi ding sagot ni Kira.

Lalo namang lumake ang pagkaka ngisi ni Vlad at bahagyang yumuko habang naka tutok pa rin ang kanyang baril kay Kira.

"Its my pleasure to meet you."

Sabi niya habang naka yuko. At muling nagsalita.

"And also my pleasure to kill you!"

Pagkasabi niya nun ay pinaputukan niya si Kira habang tumatakbo sa kabilang gawi.

Pinaputukan din ni Kira si Vlad at tumakbo din sa kabilang gawi upang makapagtago.

Bahagyang sumilip si Kira at agad ding napa balik sa pinagtataguan ng paputukan siya ni Vlad.

Napa ngisi siya ng marinig ang pag tawa ng malakas ni Vlad.

Napatingin si Kira sa naka paradang sasakyan.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang baril at tumakbo papunta sa sasakyan habang pinapaputukan si Vlad na nagtatago pa din.

Umakyat si Kira sa trunk ng sasakyan, habang patuloy pa din eto sa pag putok.

Pagdating ni Kira sa bubong ay nawalan na siya ng bala.

Mabilis naman niyang inalis ang magasin at pinalitan eto ng bago.

Nagpadulas siya sa windshield hanggang sa hood ng sasakyan habang nagpapa putok pa din.

Tumigil lang siya ng maka lapag siya at makitang tumba na si Vlad sa pinagtataguan neto.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon