Naitutok din nila Knightly, Saturn at Hunter ang hawak na mga baril ng ngumisi si Marcus habang naka tutok ang baril kay Kira at ipinutok iyon."You missed one."
Naka ngising sabi ni Marcus.
Agad namang napa tingin sila Saturn sa likuran, at nakita nila ang kalaban na binaril ni Marcus na tumumba.
Tinignan naman ng masama ni Saturn si Marcus na ikina ngisi muli neto.
Napa tingin naman ang lahat kay Emmanuel ng tumawa eto.
"Mukhang alam ko na ang nangyayari. Gagamitin niyo ang anak ni Carlos para pagsalitain ako. By the way Marcus, masaya ako at nagkita ulit tayo, hindi ko nga lang inaasahan sa ganitong pangyayari pa. "
Naka kunot ang noong nagka tinginan sila Artemis at Venus.
"Pumayag kang makipag tulungan sa kanila, kahit na sila ang pumatay sa iyong ama?"
Naka ngising tanong ni Emmanuel.
Tinignan naman siya ng walang gana ni Marcus.
"He was never a father to me."
Umiling naman si Emmanuel at naka ngising tinignan si Kira.
"Itinatanong mo sa akin kanina, kung totoo bang magnanakaw ang pamilya mo. Malakas ang loob mong magtanong dahil nasa sa inyo ang anak ni Carlos. Si Carlos na pinangakuan ko na ibibigay ko ang aking pagiging tapat hanggang sa kahuli hulihang dugo niya. Pero baka nakakalimutan niyo na hindi lamang si Marcus ang anak."
Naka ngising sabi ni Emmanuel.
Naikuyom ni Kira ang dalawang kamao at pumalag sa pagkaka hawak ni Saturn at susugudin sana si Emmanuel ng iharang ni Amy ang kanyang kamay kay Kira habang seryosong naka tingin kay Emmanuel.
"Anong ibig mong sabihin?"
Tanong ni Amy na tinawanan ni Emmanuel.
"Sa lahat ng tao na nandito Amy, ikaw pa talaga ang magtatanong niyan?"
Naka ngising tanong niya.
"ENOUGH WITH YOUR BULLSHT!!! JUST ANSWER MY FCKING QUESTION!!"
Na lipat ang tingin ni Emmanuel kay Kira na masama ang tingin sa kanya.
"Emmanuel, bilang anak ni Carlos. Inuutusan kitang sagutin ang itinatanong sayo."
Maotoridad na utos ni Marcus.
Ibinaba ni Emmanuel ang kanyang tingin at ngumisi.
Ngunit nawala ang ngisi niya ng tutukan siya ni Marcus ng baril sa kanyang sintido.
Inangat ni Emmanuel ang kanyang ulo at tinignan ng seryoso si Marcus.
"Oo. May alam ako sa itinatanong niyo."
Hinawakan ni Hunter at Saturn ang magkabilaang balikat ni Kira ng nagbalak etong sumugod.
"Kira, chill."
Bulong ni Saturn.
"May isang kondisyon na hiningi ang iyong ama, bago niya ako payagang maka alis ng buhay sa puder niya bilang kanyang kanang kamay. At yun ay ibigay din at ipasa sa napili niyang anak ang aking pagiging tapat at kung paano ko siya tratuhin bilang pinuno ko."
Naikunot ni Marcus ang kanyang noo.
Nabaling muli ang tingin ni Emmanuel kay Kira.
"At hindi si Marcus iyon. Dahil na din sa iba ang papel ni Marcus sa kanyang ama. Sa madaling salita, walang saysay ang pag gamit niyo kay Marcus para mapag salita ako."
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]