Kira's POV
"Kanang kamay ni Carlos? Wow, small world."
Bulalas ni Saturn habang nagmamaneho.
Hindi na namin kasama si Knightly, ang sabi niya ay gusto daw niya munang magpahinga.
Na alam ko ay hindi iyon ang totoong dahilan niya. Gusto lang niyang umiwas sa akin.
*sigh*
I'll deal with him later.
"Siguro nga ay makaka tulong sa atin ang Emmanuel na yun. Kung kanang kamay siya ni Carlos, malamang marami siyang alam. Pero ang problema nga lang, paano natin siya mahahanap. Eh hindi naman natin alam kung saan ang pugad ng mga yun. Sana nga lang at mahanap sila nila Hunter."
"Kung kanang kamay nga siya ni Carlos. Sa tingin mo kaya, magsasalita siya?"
Tanong ko.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nagkibit balikat siya.
"Baka kung bibigyan mo ng pera, magsalita."
Sabi niya habang natatawa ng mahina.
Napa iling na lang ako at inalis na ang seat belt dahil naka pasok na din naman kami sa gate.
Pagka parada niya sa garahe ay lumabas agad ako.
Natigil ako sa balak kong pag lakad dahil naagaw ng papalubog na araw ang atensyon mo.
I'm not a big fan when the sun is setting.
Pero sa itsura neto ngayon, lalo na ang kalangitan na kulay pula na may dilaw at orange.
Its amazing.
"Lets go."
Naalis lang ang tingin ko sa kalangitan ng hawakan ni Saturn ang braso ko at alalayan ako.
Pagdating namin sa pinto ay siya na ang nag bukas nun.
Pagpasok namin ay naabutan namin si Henry na may pinagsasabihan na mga bodyguards.
Pagkaka tanda ko, eto ang laging kasa kasama ng kambal lalo na sa pag hatid sundo sa kanila sa school.
"Anong meron?"
Mahinang tanong ni Saturn.
Nabaling naman ang tingin ko sa kambal na parehong naka yuko at napansin kong ang dumi ng uniporme nila at may dugo din.
Kaya naikunot ko ang noo ko at nilapitan sila.
"What happened?"
Walang ganang tanong ko.
Nagpunas na muna ng mata si Elizabeth bago ako tignan.
"A-ano iha..."
"Usher, Ashton. Look at me."
Maotoridad kong utos.
Nagka tinginan muna ang kambal bago sabay na tumingin sa akin.
"Hala!"
Gulat na bulalas ni Saturn ng makita ang itsura ng kambal.
Ako naman ay naitaas ko lang ang isang kilay ko.
"Anong nangyari sa inyo?"
Tanong ni Saturn.
Umalis na ang mga kinakausap ni Henry na mga bodyguards at nilapitan niya kami.
Kinuwento naman niya ang nangyari at kung bakit puro may sugat at ganito na lang ang itsura ng kambal.
Pero habang nagku kwento siya ay sa dalawa lang ako naka tingin.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]