Third Person's POVAlanganing ngumiti si Pamela ng bumukas ang maliit na bintana sa pinto.
"H-hi. Na aalala niyo ako di ba? Kailangan ko kasing maka usap si Soph--yung queen niyo."
Tinignan naman siya ng maigi ng lalakeng nagbabantay mula sa loob.
"Wala si queen dito."
Isasara na sana ng lalake ang harang ng pigilan iyon ni Pamela.
"Teka, teka! H-hintayin ko na lang siya. Ano....alam niyang pupunta ako! Oo alam niya. Sige kayo din, mapagalitan kayo. Masama magalit yun di ba?"
Pagdadahilan niya.
Hindi na nag salita ang lalake at isinara ang harang at binuksan ang pinto.
"Salamat kuya! Mapo promote ka niyan. Next time sa ibang pinto ka naman mag babantay."
Naka ngiting sabi ni Pamela at bahagyang hinampas hampas ng mahina ang balikat ng lalake.
Ng mapansin niyang hindi natutuwa ang lalake ay inalis agad ni Pamela ang kanyang kamay at naglalad ng mabilis palayo.
"Wala sigurong lab layp yun."
Bulong niya.
At ng makita si Amy na nag lalakad habang binabasa ang hawak na papel ay nilapitan niya eto.
"Miss Amy!"
Tawag niya.
"Pamela, what are you doing here? Inaasahan ka ba ni Sophia? Wala kasi siya dito, naka uwi na. Wala rin siyang hinabilin na darating ka."
"Hindi miss Amy eh. Pero pwede po bang tawagan niyo siya? Importante lang ho kasi talaga ang sasabihin ko."
Pinagmasdan siya ng maigi ni Amy at tumango na din.
"Sige, i'll call her."
Natuwa naman si Pamela sa sinagot sa kanya.
"Salamat miss Amy."
Naka ngiti niyang sabi.
~~
Itinapat ni Artemis ang card na pagmamay ari ni Saturn sa pinto at bumukas iyon.
"Bilis Venus."
Pagmamadali niya at tumakbo papasok ng laboratoryo.
Hindi nila makita si Hunter na inutos ni Saturn.
At ng si Amy ang kanilang nakita na may tinatawagan sa kanyang cellphone ay binilisan nila ang pag takbo.
"Miss Amy!"
Tawag ni Artemis at hingal na tumigil.
Mag sasalita sana siya ulit ng makita si Pamela na naka tingin sa kanila, at nanlake ang kanyang mata ng makita ang tsapang naka sabit sa leeg ni Pamela.
"P-pulis..."
Bulong niya.
Ngumiti naman si Pamela at ipinakita ang kanyang tsapa.
"Don't worry, she's a friend."
Singit ni Amy ng makita ang pamumutla ng mukha ni Artemis.
"O-ok."
Nauutal na sabi niya habang tumatango.
"Kayo, ano ang ginagawa niyo dito?"
Tanong ni Amy.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]