Chapter 57

6.2K 202 43
                                    

Nagising si Knightly ng maramdaman ang pananakit ng ulo.

Napa hawak siya sa kanyang ulo at bumangon.

Naka sara ang isang matang napa tingin siya sa kanyang kurtina na naka bukas at nakitang madilim na ang kalangitan.

Napa kunot ang noo niya dahil ang kanyang pagkaka alala ay isinara niya iyon.

Napa iling na lamang siya at tuluyan ng bumangon.

Mahilo hilo siyang naglalakad palabas ng kanyang kwarto.

Pag labas niya ay nag tungo siya sa maliit niyang kusina at kumuha ng bote ng tubig.

Walang gana niyang binuksan ang takip nun, at ng magawa ay agad niya iyong ininom.

Halos maubos niya ang laman ng bote, ng matapos siya ay pinunasan niya ang basa sa kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang kamay.

Ng makapag punas ay aksidente naman siyang napa tingin sa likod ng kanyang kamay. At naikunot ang noo ng makitang may bahid ng lipstick ang kanyang kamay na may matingkad na kulay.

Nag tungo naman siya sa banyo at tumapat sa salamin.

At doon nga niya nakita ang kulay na kumalat sa gilid ng kanyang labi.

"Pink lipstick? Where the hell i got this?"

Takang tanong niya sa kanyang sarili.

Napa iling na lamang siya at nag hilamos.

Ng matapos ay nag pupunas siya habang lumalabas ng banyo.

Ng maka balik sa kanyang kusina ay ipinatong niya ang tuwalya sa mesa, ngunit natigil siya ng makita ang kanyang jacket.

Kinuha niya iyon at inalala kung saan iyon nanggaling.

Tsaka lamang niya na alala na ipinahiram niya iyon kay Venus ng gabing kalabanin nila si Vlad.

"She went here."

Bulong niya habang inililibot ang tingin sa kanyang paligid.

Napa ngisi siya at nag lakad habang hawak ang jacket.

Ngunit natigil siya at nawala ang kanyang  pagkaka ngisi ng may biglang pumasok sa kanyang isipan.

"I love you."

"I love you--"

"Kira..."

Napa hawak siya sa kanyang labi at ng masagot ang katanungan niya tungkol sa binura niyang matingkad na kulay na nasa gilid ng labi niya ay muntik na niyang mabitawan ang hawak na jacket.

"Sht!"

Mura niya at mabilis na tumakbo papunta sa pinto at lumabas.

Pagka labas niya ay inilibot niya ang tingin na tila nagbabakasakaling makita si Venus.

Ngunit ng mabigo ay napa pikit na lamang siya ng mariin at napa hilot sa kanyang sintido.



~~~~~~~~~~~~~~~

"Sir, eto na po lahat ng listahan ng delivery na darating bukas."

Natigil si Saturn sa kanyang ginagawang pag tikim ng lumapit sa kanya ang kanyang sekretarya.

"Sinabihan mo bang agahan? Nung huli kasi, ilang oras silang late."

Sabi ni Saturn.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon