Third Person's POV
Pabagsak na umupo si Venus kasabay ang hawak niyang nga paper bags sa magkabilaan niyang kamay.
At sa gitna ng katahimikan ay sumigaw siya.
"KYAAAAAAHHHH!!!!"
Muli sana siyang sisigaw ng mag salita si Artemis na abala sa pag aayos ng kanyang motor.
"Isa pang sigaw mo, ipapakain ko tong gulong ng motor ko sayo."
Walang gana niyang sabi.
Agad naman na naitakip ni Venus ang dalawang kamay sa kanyang bibig at sumimangot.
"Art! I saw him!! Pero bigla siyang nawala!!!"
Naiinis na sabi ni Venus habang pumapadyak ng paa.
"Oh sorry my dearest prada."
Habol niyang sabi at hinaplos ang kanyang mataas na sapatos at tumigil sa pag padyak.
Sumandal siya sa upuan at naka simangot na tinignan si Artemis na abala sa ginagawa.
"Art, hindi mo ba tatanungin kung sino ang tinutukoy ko?"
Naka ngusong sabi niya.
"Hindi, at wala akong pake."
Walang ganang sagot ni Artemis.
"Tss! Nakaka inis ka! Pero sasabihin ko pa din."
Huminga ng malalim si Venus at muling tumili.
"KYAAAAHHH!!! I saw him Art! The handsome guy on the picture! I saw him! I saw him! I saw him!! KYAAAAHHH!!!"
Naka ngiting sabi niya pero agad ding napalitan ng simangot.
"But i lost him! Nakita ko siyang pumasok sa bookstore! Pero pag pasok ko din, bigla siyang nawala sa paningin ko!! Grr!! Kaazar ng bongga!!"
Na iikot na lamang ni Artemis ang kanyang mata habang umiiling.
"Ano ang problema Venus? Sa labas pa lang naririnig ko na ang lakas ng boses mo?"
Agad na natigil ni Artemis ang kanyang ginagawa at tumayo, ganun din si Venus na alanganing ngumingiti.
"W-wala po yun sir Manuel. Ang s-sabi ko....."
Naghanap ng pwedeng idahilan si Venus, bigla naman siyang nagka ideya ng makita ang mga pinamili.
Kinuha niya yun at muling hinarap ang tinawag na sir Manuel.
"Ang sabi ko...whoooo!! Ang daming sale sa mall!! Dapat nag shopping ka din sir. Whoo shopping shopping."
Naka ngiting sabi ni Venus habang iwinawagayway ang hawak na mga paper bags.
Natawa na lamang si Manuel habang umiiling at sumandal sa mesa.
Samantalang ngumingisi naman si Artemis habang nagpupunas ng dumi sa kanyang kamay.
"Makinig kayo."
Naging seryoso ang dalawa ng muling mag salita si Manuel sa seryosong tono ng pananalita.
"Ngayong linggo mangyayari ang malaking misyon natin. Bakit malaki? Dahil malaking pera ang makukuha natin."
Naka ngising sabi niya.
"Kapag napagtagumpayan natin to, kahit isang taon tayong hindi magnakaw. Kahit saang lugar makakapunta tayo, sa labas man o loob ng bansa. At kahit ano, mabibili natin."
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]