Chapter 19

7.7K 237 10
                                    


Third Person's POV

"Uhmm kaya niyo ba talagang mag maneho? Pwede ko kayong ihatid sa pupuntahan niyo, mamayang tanghali pa naman ang meeting ko."

Nag aalalang sabi ni Jasper habang naka silip sa bukas na pinto ng kotse ni Saturn.

Napakamot ng noo si Jasper at bumisana kaya naputol ang pag iisip ng malalim ni Saturn.

"H-huh?"

Tanong neto.

Napa buga ng hangin si Jasper at umayos ng pagkaka yuko.

"Ang sabi ko, kaya mo bang magmaneho? Para kang lutang, baka mapano pa kayo. Isa pa yun oh."

Tinuro ni Jasper si Kira na tulala pa din at tila walang pakialam sa paligid.

"Ahh oo kaya ko! Sige na, aalis na kami."

Tinignan na muna ni Jasper si Kira at pagka tapos ay siya na din ang nag sara ng pinto.

Nagsimulang umandar ang kotse ni Saturn at sinundan naman iyon ni Jasper ng tingin hanggang sa mawala iyon sa paningin niya.

Samantalang sa loob naman ng kotse ay sunod sunod ang inom ni Saturn ng baong kape at panay ang sampal ng mahina sa pisngi dahil sa na aalala ang nakita ng nakaraang gabi.

Sa tuwing bumabalik iyon sa isip niya, ay hindi maiwasang mamula ang kanyang mukha.

Binuksan na lamang ni Saturn ang radyo upang mabaling sa iba ang kanyang isipan.

Napa tingin naman siya sa katabing si Kira na hindi pa rin na imik.

"Kira, ok ka lang?"

Tanong ni Saturn.

Muli niyang binalik ang tingin sa unahan at muling titingin sa katabi.

"Hey Kira."

Gamit ang isang kamay ay sinampal sampal ni Saturn ng mahina ang pisngi ni Kira.

Lumingon naman si Kira sa kanya pero mukha pa din etong lutang.

"Bakit ka ba ganyan? Hindi ka rin ba naka tulog dahil sa nakita mo---a-ano i mean dahil nagharap na kayo nung Blake?"

Muling na alala ni Saturn ang nakita kaya muli siyang namula.

"No."

Simple at walang ganang sagot ni Kira.

"Eh bakit tulala ka?"

Pangungulit ni Saturn.

Napa buga ng hangin si Kira at napa hilot ng sintido.

"Nagugulo ang isipan ko sa sinabi ni Blake kagabi."

Naka kunot ang noong tinignan ni Saturn si Kira.

"Ano bang sinabi niya?"

Muling napa buga ng hangin si Kira.

"She said, my family is a thief."

Tumingin si Kira kay Saturn.

"The Veilluex."

Pahabol netong sabi.

Mas lalo namang kumunot ang noo ni Saturn.

"Huh?! Thief? As in magnanakaw?! Eh alam naman nating lahat na si Carlos lang ang magnanakaw sa inyo at lahat ng yun nabalik na sayo. Isa na dun ang eskwelahan mo. Tsaka bukod sa mga Dela Fuente, sino pa ba ang ninakawan niya? Ginamit pa niya ang walang hiyang anak niya, tss mabulok na sana siya sa kulungan."

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon