Chapter 41

5.9K 205 17
                                    


Third Person's POV

Beeeeeeeeeeeepppp!!!

Halos walang tigil at sunod sunod ang busina ng mga tao dahil sa pag hinto ng apat at ng pag gitnaan nila si Zeke.

"Kira, we can't make a scene here--uhm well we're already making a scene, a traffic scene. At maraming inosenteng tao ang madadamay."

Paalala ni Saturn sa kabilang linya.

"Hoy ano ba kayo!! Mag silayas kayo sa unahan!!"

"Putspa naman oh! Nalipat na ba ang edsa?!!!"

"What the fvck man!! Get out of the way!!"

"Ano ba! Sa ibang lugar kayo mag mannequin challenge wag dito! Mga bwisit!"

Hindi pinansin ni Kira ang mga sigaw at reklamo ng mga tao.

Seryoso lamang siya na naka tingin kay Zeke na ganun din sa kanya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang manibela at pinatunog ang kanyang motor na tila ay naghahanda.

Samantalang si Zeke naman ay naghahanda din sa posibleng mangyari.

Pagka ngisi ni Kira ay agad niyang pinaharurot ang motor papunta kay Zeke.

At si Zeke ay pinatunog na muna ang kanyang motor ng sunod sunod bago humarurot at salubungin si Kira.

Natigil ang mga tao sa pag reklamo ng mag simulang kumilos ang dalawa.

At ng nagkalapit na sila sa isa't isa ay sabay silang huminto sa magkabilaang gilid nila at nagtutukan ng baril sa kanilang mga noo.

Dahil sa pag labas ng kanilang mga baril ay nagsimulang magka gulo ang mga tao at lumayo sa kanila.

"Alam ko ng may nag uutos sayo na patayin ako. Pero bakit?"

Seryosong tanong ni Kira ganun din ang tingin niya na diretso sa mata ni Zeke.

"Mamamatay ka na din. Bakit gusto mo pang malaman?"

Seryoso namang sagot ni Zeke na ikina ngisi ni Kira.

"Para may dahilan ako para patayin ka at sa nag uutos sayo."

Habang nagsasalita siya ay tila napako ang kanyang tingin sa mata ni Zeke na kung tumingin ay parang walang buhay at malamig.

Like mine. We have the same eyes.

Sabi ni Kira sa kanyang sarili.

Napansin naman ni Zeke na saglit na nabaling ang atensyon ni Kira kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon at mabilis na siniko ang braso ni Kira na may hawak na baril at tsaka dinibdiban.

"QUEEN/KIRA!"

Nag aalalang sigaw nila Hunter, Ox at Saturn.

Agad namang naka bawi si Kira.

Patigilid siyang yumuko at sisipain niya sana si Zeke ng mabilis netong mahawakan ang paa niya.

Bahagya siyang umangat at nilagyan ng pwersa ang isang paa at tumalon ng patagilid.

Habang nasa ere ay hinawakan ni Kira ang kamay ni Zeke na naka hawak sa kanyang paa.

At bago maka lapag si Kira ay umangat na si Zeke at sabay silang bumagsak at pumaikot.

Sabay silang tumayo, at sabay din nilang inangat ang kamao upang suntukin ang isa't isa na pareho din nilang nailagan sa pamamagitan ng bahagyang pag gilid ng kanilang mga ulo.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon