Chapter 66

6.2K 204 23
                                    


Papasugod na sana si Felix ng tumunog at bumukas ang elevator.

Napa lingon siya sa kanyang likuran, at napa ngisi.

"Sorry natagalan, traffic eh."

Naka ngising sabi ni Jasper at bago lumabas sa elevator ay nilingon niya si Lucy.

"Stay here, and keep this door open."

Utos niya.

Tumango naman si Lucy ng sunod sunod bilang sagot.

Ibinalik ni Jasper ang tingin sa unahan at naglakad palapit kay Felix.

"Mind if i join you?"

Naka ngising tanong ni Jasper na naka tingin lang sa mga kalaban na nasa unahan nila.

Ngumisi naman si Felix at sumagot habang naka tingin din sa kanilang unahan.

"Hell yeah."

Inangat ni Jasper ang isa niyang naka kuyom na kamao at nilingon si Felix.

"Just like the old days."

Naka ngisi niyang sabi.

Nilingon naman siya ni Felix na naka ngisi pa din, at idinikit ang naka kuyom din niyang kamao sa kamao ni Jasper.

"Just like the old days."

Panggagaya niya at sabay nilang sinugod ang mga kalaban.

Agad na hinawakan ni Felix ang kwelyo ng unang kalaban na nalapitan niya at malakas etong sinuntok sa mukha.

Pag lingon niya sa kanyang likuran ay nasalo niya ang kamaong susuntok sana sa kanya, binali niya ang nasalong kamao at sinuntok din ang lalake sa mukha.

Samantalang siniko naman ni Jasper ang kalaban sa dibdib at sinuntok sa mukha.

Napa ngisi siya ng makita ang mga napa tumba niya.

Ngunit nawala ang ngiting yun ng ikulong siya ng mahigpit sa braso ng kalaban niya mula sa likuran.

Panay ang pag palag niya ngunit mas malakas ang kanyang kalaban.

"Ayaw mo talaga ha."

Bulong niya at malakas na inuntog ang ulo sa mukha ng kalaban niya.

At dahil dun ay nagawa niyang makawala.

Agad naman niyang hinarap ang kalaban na nagdurugo ang ilong at malakas etong sinuntok sa mukha na ikina tumba neto.

Napa tingin siya sa gilid niya ng may dalawang kalaban ang papasugod sa kanya.

Yumuko siya upang maiwasan ang kamaong paparating sa kanya.

Ng maka tayo ay sinipa niya sa dibdib ang isang kalaban at sinuntok sa mukha ang kalaban na nagbalak siyang suntukin.

"Jasper! Behind you!!"

Sigaw ni Lucy na nanlalake ang mga mata ng makita niyang bumangon ang lalakeng sinipa ni Jasper at may hawak ng balisong.

Dahil sa pag sigaw ni Lucy ay napalingon si Felix at nakitang sasaksakin si Jasper sa tagiliran neto.

Kaya iniwan niya ang kinakalaban at mabilis na tumakbo patungo kay Jasper.

Napigilan niya ang pag tatangka sa kaibigan.

Tinignan niya ng masama ang lalake at sinuntok eto sa mukha ng sunod sunod.

Ng makita niyang duguan na eto ay tsaka lamang siyang tumigil.

Hinayaan niya lamang na bumagsak ang kalaban.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon