Third Person's POV
"KYAAAAAA!!!!"
Napa tili si Charlotte ng sa pag tangka niyang pag takbo ay mahawakan siya ng lalake sa kanyang braso.
"Let go of me!!"
Sigaw niya habang pumipiglas, at ng magawa niya ay mabilis siyang tumakbo. Ngunit nahablot ng lalake ang buhok niya at siya'y inangat.
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Charlotte ang kamay ng lalakeng humahawak sa kanyang buhok.
Sinubukan niyang sipain ang lalake ngunit sa tigas ng katawan neto ay nasaktan siya sa ginawa.
"Bitawan mo ko--"
Hindi niya naituloy ang sasabihin ng bigla siya netong sakalin habang siya ay naka angat pa din.
Panay ang pag piglas niya upang maka wala, ngunit nararamdaman niya na lalong humihigpit ang pagkaka sakal sa kanya.
"CHARLOTTE!!"
Gulat na sigaw ni Usher ng makita ang kalagayan ni Charlotte.
"U-ushe..r.."
Nahihirapang sabi ni Charlotte.
Napa lingon naman kay Usher ang kalabang babae, at nilapitan siya.
Napalunok naman siya at nag hanap ng pwede niyang ipang depensa.
Naka kita naman siya ng malaking bato kaya agad niya iyong kinuha.
"S-sige! L-lumapit ka. I-ibabato ko sayo to! Kahit hindi ako pumapatol sa babae...p-papatulan kita!"
Nauutal na sigaw ni Usher habang dahan dahan na umaatras.
"Isa pang lapit mo!"
At ng muling humakbang ang babae ay pikit matang binato ni Usher ang hawak niyang bato.
Ng magawa niya ay idinilat niya ang isang mata at ng makitang nasalo ng babae ang bato ay nanlake ang kanyang mata.
At lalo siyang nakaramdam ng takot ng durugin ng babae ang bato gamit lamang ang isang kamay.
Nawala ang tingin ni Usher sa babae ng marinig niya ang malakas na kalabog, at pag tingin niya sa loob ng bahay ay nakita niyang naka bagsak na si Charlotte sa sahig.
Muli namang nanlake ang kanyang mata.
"C-charlotte..."
At ng mapansin na papalapit ang babae sa kanya ay napa atras siya.
Muli niyang binaling ang tingin kay Charlotte at naikuyom ang dalawang kamao.
Tinignan niya ng masama ang babae at tumakbo.
"Get out of my way!"
At ng makalapit siya ay patagilid niyang binunggo ang babae na ikina inda niya at ikina atras ng bahagya.
Nagulat siya dahil sa hindi pag galaw ng babae sa pag bunggo niya at sa sakit na iniinda.
Muli naman niyang tinignan ng masama ang babae at muling tumakbo upang makalapit.
Ng muling maka lapit ay ngumisi siya at nag padulas pahiga upang maka daan sa pagitan ng paa ng babae.
Ng magawa niya ay agad siyang bumangon at malake ang ngiting niligon eto.
"Babye!"
Pangangasar niya at tumakbo papasok sa loob ng bahay.
"Charlotte!"
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]