"G-general...tama ho ba ang daan natin? Bundok na ata to, may malawak pang karagatan sa ibaba natin."
Takang tanong ni Pamela na may halong kaba, habang pinagmamasdan ang kanilang dinadaanan.
"Tama ang lugar natin. Malapit na tayo sa kanya."
Seryosong sabi ng General.
Napa tingin naman si Pamela sa mapa na sinusundan nila, at nalamang tama nga ang General na malapit na sila sa kanilang target na si Marcus.
Dahil sa sobrang kaba ay naihilamos niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha at bumuga ng hangin na tila hindi mapakali.
"Anong..."
Takang bulong ng General dahil habang papalapit sila ay nakikita nila ang mga bangkay na naka kalat sa lupa at ang building na halos kalahati na lamang dahil sa pagsabog.
At dahil sa pag bulong ng General ay nagtatakang naiangat ni Pamela ang kanyang tingin.
At nanlake ang kanyang mata ng makita ang paligid.
"Si Marcus ba ang may gawa ng lahat ng eto?"
Tanong ng General.
"I-imposible...G-general imposible..Hindi kaya ni Marcus ang ganito--"
"Kaya niya kung may iba siyang mga kasama na kriminal."
Putol ng General kay Pamela.
Inihinto na ng nagmamaneho ang police car, at agad na bumaba ang General.
Pagkasara ng pinto ay tila natauhan si Pamela kaya agad din etong lumabas.
"Halughugin ang buong lugar! Arestuhin din ang lahat ng makikita niyong kasama ng target. Kung mag laban....shoot to kill."
Nanlake ang mata ni Pamela sa sinabi ng General sa mga kasamahan netong pulis.
Susunod na sana ang General sa mga naunang pulis ng mapigilan siya ni Pamela.
"N-ninong...malakas ang pakiramdam ko na hindi si Marcus ang may gawa ng lahat ng eto...sa tingin ko ay may ibang nangyayari..."
"At ano iyon?"
Mapag hamon na tanong ng General.
Tila hindi naman naka sagot si Pamela kaya muling nag salita ang General.
"Isinama kita dito dahil nagpumilit ka na isama kita. Pumayag ako dahil sumang ayon ka na hindi ka mangingialam sa mangyayari. Kaya Pamela, wala kang ibang gagawin kung hindi ang sumunod lang sa ipag uutos ko."
Maotoridad na sabi ng General at tinalikuran na si Pamela, na mababakas sa mukha ang pag aalala.
Dahil sa maotoridad na pananalita ng General, ay wala ng ibang nagawa si Pamela kundi sumunod na lamang.
Ngunit habang naglalakad ay natigil siya ng makita ang marka sa bangkay na madadaanan niya.
Kaya dinoble niya ang kanyang paglakad, at ng makalapit ay nag squat siya sa bangkay at inangat ang braso neto.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]