"K-kira..."Halos mawalan ng balanse si Saturn na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa nakikita.
Ngumisi naman si Kira at sumaludo.
"Yow Saturn."
Naka ngisi niyang sabi.
"P-paanong..."
Mahinang sabi ni Saturn na halos mapa upo sa upuan na kaharap ni Kira.
Lumaki ang pagkaka ngisi ni Kira at ibinaba ang paa sa mesa at inilapit ang sarili sa kaharap na si Saturn.
"I'm alive. Buhay na buhay ako."
Kinuha ni Kira ang nanlalamig na kamay ni Saturn at inilagay niya eto sa kanyang pisngi.
At dahil sa ginawa niya ay lalong nanlake ang mata ni Saturn at napanganga.
"B-buhay...BUHAY KA NGA!!"
Sigaw ni Saturn at tumayo upang mayakap ang kaibigan.
Natawa naman si Kira at niyakap pabalik si Saturn.
"Kira! Bakit ba..."
Hindi naituloy ni Saturn ang sasabihin ng maramdamang maiiyak siya.
"B-bakit ba..ganyan ka..l-lagi mo akong pinag aalala.."
Mahinang sabi ni Saturn na naka yuko.
Nakaramdam naman ng konsensya si Kira dahil sa itsura ni Saturn.
"I'm sorry Saturn. May mga bagay kasi akong dapat na ayusin."
Paliwanang ni Kira.
"Ano naman yun? Hindi ba pwedeng ayusin mo ang bagay na yun ng wala kang pinag aalala?"
Sabi ni Saturn na may hinanakit sa kanyang tono.
Hindi agad naka sagot si Kira kaya muling nag salita si Saturn.
"Anong ginawa mo?"
Tanong niya.
"Queen! I'm sorry late ako.."
Napalingon si Saturn ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Ganyan ba talaga kapag under Sa girlfriend?"
Natatawang tanong ni Kira sa bagong dating na ikina taka ni Saturn.
Sinundan ni Saturn ng tingin ang bagong dating hanggang sa huminto eto sa kanilang harapan ni Kira.
"Hunter..a-alam mong.."
Mahina at naguguluhang sabi ni Saturn.
Napa tingin naman sa kanya si Hunter na may alanganing ngiti habang naka hawak sa likod ng kanyang ulo.
"Ano kasi--"
"It's also part of my plan."
Hindi naituloy ni Hunter ang sasabihin ng sumingit si Kira na lalong ikina gulo ni Saturn.
"Alam ni Hunter na buhay ka? Pero ako hindi?"
Hinanakit na tanong ni Saturn.
"Saturn--"
"Great Kira..just great"
Napa buga ng hangin si Kira at muling nag salita.
"Let's go to the lab. I'll explain there everything."
~~
Habang nag lalakad si Kira sa pasilyo ng laboratoryo kasunod sila Hunter at Saturn, ay halos lahat ng mga tauhan niya ay napapa tigil sa kanilang mga ginagawa at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
Hành độngEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]