Chapter 74

6.7K 278 62
                                    


Tulalang naka tingin si Felix sa itaas ng kanyang silid habang naka higa.

Hindi alintana ang madilim na silid at tanging maliit na liwanag lamang ang pumapasok sa pagitan ng kanyang naka sarang mga kurtina.

At kahit makarinig ng pagkatok sa pinto ay hindi niya eto binigyang pansin.

Narinig niya ang pagbukas at pag sara nun at ang pag pasok ng kumatok na si Lucy, napa buga siya ng hangin ng maabutang madilim ang silid. Kaya nag lakad siya patungong bintana at hinawi ang mga kurtina.

Nilingon na niya si Felix na hindi pa rin gumagalaw sa kanyang pwesto.

"Lolo called me."

Panimula ni Lucy. At ng walang makuhang sagot ay muli siyang napa buga ng hangin.

"Until when you are going to be like that?"

Tanong niya ngunit nanatiling tulala lang si Felix.

"Lolo said, that you haven't eaten for days. Kung kakain ka naman daw, napaka konti lang. Ilang buwan ka na din hindi pumapasok sa kompanya, lumabas labas ka naman Felix. Hindi yung kinukulong mo ang sarili mo sa madilim na kwarto at...iniisip siya."

Humina ang tono ng pananalita ni Lucy sa kanyang huling sinabi.

Umupo siya sa dulo ng kama at pinagmasdan si Felix.

"It's been five months Felix, when she d-died. I still love you, inaamin ko. Pero hindi ko kukunin ang pagkakataon na to para ibalik ang atin. Dahil alam ko namang wala ng mababalik..."

Nasasaktang sabi ni Lucy.

"But i still care."

Pagpapa tuloy niya.

Tumayo na siya at muling pinagmasdan si Felix.

"I bought you ticket, sa tingin ko kasi na baka mas makatulong sayo ang paglayo kahit sandali lang..p-para makalimot. I will leave it here."

Ipinatong ni Lucy ang isang puting sobre sa mesa na katabi ng kama.

Ng maipatong niya ay muli niyang pinagmasdan si Felix.

Hindi na siya muling nag salita pa, naglakad na siya papunta sa pinto at lumabas.

Ilang minuto ang lumipas ng bumangon si Felix at umupo sa kanyang kama.

Nilingon niya ang inilagay na sobre ni Lucy at binuksan iyon.

Ng makita ang laman nun ay ipinatong niya iyon sa mesa at pabagsak na humiga sa kama at pumikit.

"Wherever i go...it won't change the fact that i'm still missing you...at walang lugar at kahit anong bagay ang makakapag alis sayo sa akin..because i will never...ever forget you Sophia."

Bulong niya sa kanyang sarili.

~~~~~~~~~~~

"Ikaw na ang mag sabi Ash."

Bulong ni Usher sa kakambal habang itinutulak eto ng mahina.

"Bakit ako?"

Inis na bulong ni Ashton.

"Eh sa letter A nagsisimula ang pangalan mo eh. Ako letter U kaya, ikaw na ang mag sabi."

Pagdadahilan ni Usher.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Ashton at tinalikuran.

"Tss."

Inis na reaksyon ni Ashton at kumatok ng tatlong beses sa naka bukas na pinto ng opisina ni Henry.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon