Third Person's POV
Inilapag ng babae ang kanyang bote ng alak sa mesa at kasabay din nun ang pag patong ng kanyang paa at pasandal na umupo sa upuan, kung saan may naka upo ding isang babae na naka cross ang mga paa habang nagbibilang ng pera.
"Tss."
Napatingin naman ang babaeng nagbibilang ng pera sa katapat niya.
"Why?"
Kinuha naman ng babae ang kanyang alak at uminom bago nagsalita.
"Muntik ka ng mahabol nung dalawang lalake kanina. Muntik ka mahuli, buti na lang at sakto ang dating ko."
Natawa naman ang babaeng nagbibilang ng pera.
"Me? The beautiful and gorgeous Venus, mahuhuli? Never my dear Artemis. Never."
Sabi niya ng naka ngisi.
Naitaas na lamang ng tinawag niyang Artemis ang kanyang isang kilay.
"OH. MY. GOSH!"
Tili ni Venus na ikina irita ni Artemis.
"ART!!!"
"Tss, pwede ba wag kang tumili. Katapat mo lang ako."
Pagtataray ni Artemis.
"Art, tignan mo! Ang gwapo niya!!!"
Inilagay ni Venus ang isang kamay sa kanyang baba habang naka tingin sa larawan na parang nangangarap ng gising.
"Sino sa dalawa? Yung parang koreano? Hindi ko alam ang panget pala ng taste mo."
Naka ngising asar ni Artemis.
Napa kunot naman ng noo si Venus at tumingin kay Artemis.
"Huh?--ohh yung may ari netong wallet? Yeah he's not my type nga pero he's super cute naman. Pero hindi siya ang tinutukoy ko, eto oh!! Kyaaaa ang gwapo niya!!"
"Tss. Ano ba!"
Pagalit na kinuha ni Artemis ang larawan na itinapat ni Venus sa mismong mukha niya.
Ng makuha niya iyon, tinignan niya ang lalakeng tinutukoy niya.
Tatlong lalake ang nasa larawan.
Yung isa ay yung may ari ng wallet.
Ang isa naman ay may edad na ngunit hindi ganun katandaan.
At ang huling lalake na nakikita niya, ang pinakamatangkad sa lahat ay ang tinutukoy ni Venus.
Napasimangot na lamang si Artemis at ibabalik na sana ang larawan ng muli niya etong tignan.
"Oh di ba ang gwapo!! Ang hot pa!"
Kinikilig na sabi ni Venus, ngunit hindi doon nakatuon ang atensyon ni Artemis.
Ang atensyon at tingin niya ay nasa iisang babae lang na pinagigitnaan ng lahat.
She looks very familiar.
Sabi niya sa kanyang isipan.
Naputol ang pag iisip niya ng agawin ni Venus ang larawan sa kanyang kamay.
Muling napa simangot si Artemis at tumayo na, kinuha niya ang bote ng alak at tinalikuran na si Venus.
"Hey! Saan ka pupunta? Wala ka man lang bang comment sa future boyfriend ko?"
Pasigaw na sabi ni Venus habang sinusundan ng tingin ang kaibigan.
Naitaas na lamang ni Artemis ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]
