Chapter 43

6.6K 214 23
                                    


Artemis' POV

"Good evening ma'am. Welcome to Eve's."

Bati sa akin ng cashier ng maka lapit ako sa counter.

Ngumiti naman ako.

"Hi. Ako yung tumawag at nagpa bulk order, kukunin ko na sana."

"Ay opo ma'am. Sandali lang po."

Tumango ako at nginitian siya ulit bago niya ako talikuran.

Inilibot ko naman ang tingin sa buong restaurant.

This place is very cozy.

Especially the view upstairs, but the place is reserved. Ang sabi ng mga employee, reserved daw yun para sa mga kaibigan at pamilya ng may ari.

Well, maganda sana if he or she let the other customers experience the view. Pero tulad ng sabi ko, the place is super cozy kaya kahit saan tumingin nakaka amazed.

I also admire the owner for  doing a very good job.

Lots of reasons kaya lagi akong bumabalik dito bukod sa masasarap ang pagkain na ang sabi nila, own recipe ng owner.

Very impressive.

"Hi ma'am, eto na po."

Napa lingon ako ng bumalik ang cashier at dala dala ang apat na malalaking paper bag.

Pag lapag niya sa counter ay tinignan ko ang mga laman nun.

At pag tingin ko sa huling paper bag ay na ikunot ko ang noo ko.

"Uhm miss, sobra tong--"

"Ma'am free po iyan."

Napa tingin ako sa kanya.

"Talaga? Hindi ko tatanggahin tong free."

Naka ngiti kong sabi.

Kinuha ko na ang wallet ko at inabot ang bayad na kinuha naman niya at binilang.

"Ma'am sobra po."

Inabot niya sa akin ang sobra sa bayad ko na halos kalahati din.

"I gave you an exact amount miss, bilangin mo ulit. Ikaw din, baka short ka at mag abono. Malake lake din to."

Muli kong inabot yung perang binalik niya pero umiling lang siya at hindi mawala wala ang ngiti niya.

"Ma'am discounted po kasi kayo."

Sabi niya.

"Why? Anong meron?"

"Wala naman po ma'am, sumusunod lang po ako sa utos."

"Utos?"

Takang tanong ko.

"Sabi po kasi ng boss namin na pag bumalik po kayo dagdagan daw po namin ang order niyo at discounted na din ang magiging bill niyo."

Paliwanag niya.

"T-totoo?"

Hindi kasi ako makapaniwala.

Hindi naman kami magka kilala ng may ari ng restaurant na to para magkaroon ng ganung privilage.

"Yes ma'am."

Naka ngiti niyang sabi habang tumatango.

Alanganin kong kinuha ang mga paper bag at alanganin ding tumango.

"O-ok. Salamat. Paki sabi sa boss niyo, salamat."

Sabi ko at alanganing ngumiti.

"Makakarating po. Thank you and come again ma'am."

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon