Pamela's POV
Mula ng makarating kami dito sa presinto, hindi na maalis alis ang tingin ko kay Charlotte na mukhang mapupunit na ang mukha sa lapad ng pagkaka ngiti niya habang hawak hawak ang puting sobre.
Maya maya din ang silip niya sa gate.
Napa tayo na siya at lalong lumake ang pagkaka ngiti niya.
"KUYA!!!"
Sabi niya at kumakaway kaway pa.
Patakbo niyang pinuntahan si Marcus.
At kitang kita ko ang higpit ng yakapan nilang magkapatid.
"Kuya parang gumagwapo ka ata lalo."
Rinig kong sabi ni Charlotte.
"Kahapon lang tayo hindi nagkita Charlotte."
Naka ngiting sabi ni Marcus at ginulo ang buhok ng kapatid.
Yumakap ulit si Charlotte.
"Naglalambing lang kuya. Tsaka gwapo ka naman talaga hihi."
Napa iling na lang si Marcus at inaya na ang kapatid niya.
Napa tingin naman sa akin yung pulis na naka sunod kay Marcus ng maka lapit sila.
Tinanguan ko lang siya at umalis na.
"Hi."
Bati sa akin ni Marcus.
"H-hi."
Umayos ako ng pagkakasandal sa upuan ko at napa tingin sa ibang gawi.
Lagi naman kaming nagkikita pero ewan ko ba kung bakit naiilang pa rin ako sa kanya.
Narinig kong tumawa siya ng mahina.
Tss.
"Ahh kuya! Naubos mo ba yung pinabigay ko?"
O______O
Patay!!
Oo nga pala may pinabibigay nga pala si Charlotte sa kuya niya!
Hanggang ngayon nasa bag ko pa yun!
Tss! Ang dami ko kasing iniisip kahapon dahil dun sa lady in red na yun.
Nawala tuloy sa isip ko yung pinabibigay ni Charlotte.
Napa tingin ako kay Marcus na naka kunot ang noong naka tingin sa kapatid.
"Anong---"
"Oo! Oo naubos niya! N-nasarapan nga siya sa p-pansit eh! S-sinabi ko din na luto mo yun, v-very good Lot. K-keep up the good work!"
Na uutal kong sabi habang naka thumbs up.
Sabay naman na napa tingin yung magkapatid sa akin.
At halos pareho silang nagtatakang tumingin sa akin.
Pero biglang nagbago yung itsura ni Charlotte. Mula sa pagtataka, sinimangutan niya ako.
"Pandesal na may keso ang binigay ko. Hindi pansit."
O______O
Walang gana niyang sabi.
P-pandesal?!
Eh may pansit akong nakain kahapon nung almusal. H-hindi ba yun?
Lalong sumama ang itsura ni Charlotte.
Patay na talaga ako neto!
"Pam---"

BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
حركة (أكشن)Everyone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]