Pinatay ni Artemis ang makina ng kanyang motor at inalis ang suot na helmet bago bumaba.Pagbaba niya ay tsaka lamang niya na napansin ang pamilyar na sasakyan.
Napa tingin naman siya sa kanilang bahay at napa iling.
Itinabi na niya ang hawak na helmet at naglakad.
Bubuksan na niya sana ang pinto ng bigla iyong bumukas at bumungad si Knightly na tila nagmamadali.
"Sabi na nga ba at sayo ang sasakyan na yun."
Sabi ni Artemis at tinignan si Venus na namumula, kaya naitaas niya ang kanyang isang kilay.
"Yeah, but i'm about to leave."
Sagot ni Knightly.
"Sumabay ka na muna sa amin mag dinner. Err late dinner pala."
Muling sabi ni Artemis at inangat ang hawak na plastic.
"Thank you Artemis, but maybe next time. I have to go now. Bye ladies."
Paalam niya at mabilis na nilagpasan ang dalawa na ikinataka ni Artemis.
"Bakit nagmamadali yun? Minulestiya mo ba?"
Naka taas ang isang kilay na tanong niya.
Nanlake naman ang mata ni Venus at lalong namula.
"H-hindi ah!"
Nauutal netong sagot.
"Eh bakit nagmamadali?"
"Hindi ko alam. Basta may tumawag sa kanya tapos yun na nagpaalam na siya."
"Sino naman ang tumawag?"
"Si Saturn, aksidente kong nakita."
"Si Saturn?"
Tumango si Venus bilang sagot.
Naka kunot ang noong nilingon ni Artemis ang papaalis ng sasakyan ni Knightly, at biglang na alala ang sinabi ng sekretarya.
~~~~~~~~~~~~~
Napa hawak ng mahigpit si Lucy sa braso ni Felix at nag tago sa likuran neto.
"Ang dami nila."
Mahinang sabi ni Jasper.
Humigpit naman ang pagkaka kuyom ng kamao ni Felix habang masama ang tingin sa kanilang mga kalaban.
"Step backward Lucy."
Maotoridad na utos ni Felix.
Kahit nag aalangan ay tumango si Lucy at umatras.
"Jas, sorry for dragging you in this situation."
Seryosong sabi ni Felix.
Napa ngisi naman si Jasper at umiling.
"Magtatampo ako kung hindi mo ako isasali sa ganito."
Natatawa netong sabi.
Napa ngisi naman si Felix at tumingin kay Jasper na nakatingin din sa kanya.
Sabay silang tumango at sumugod. Ngunit nahinto sila ng isa isang tumumba ang mga kalaban na nasa pinaka likuran.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]