Huminto si Emmanuel sa pakay netong bahay.Pinindot niya ang doorbell at hindi nag tagal ay lumabas si Marcus na ikina gulat neto ng makita siya.
"Emmanuel."
Mahinang sabi ni Marcus ngunit sapat lang upang marinig neto.
Bahagyang yumuko si Emmanuel at nag salita.
"Nandito ako para gawin ang responsibilidad ko kay lady Charlotte."
Sumeryoso naman ang mukha ni Marcus ng marinig ang rason neto.
"Matagal ka ng wala sa ama ko at matagal na din siyang patay. Hindi mo na kailangan na gawin pa yan. Isang paki usap lang Emmanuel, lumayo ka sa amin. At lalong layuan mo ang kapatid ko."
Tatalikod na sana si Marcus ng mag salita si Emmanuel.
"Pasensya na pero hindi ako sayo nag bigay ng aking salita. Dapat ay alam mo ang ganitong bagay."
Naikuyom ni Marcus ang kamao at muling hinarap si Emmanuel.
"Wala akong pakialam kung kanino ka nagbigay ng salita mo. Wala kang responsibilidad na gagawin sa kapatid ko, kaya paki usap lang. Umalis ka na."
Mahinahon ngunit pagalit na sabi ni Marcus.
"Hindi ikaw ang papakinggan ko--"
Galit na binuksan ni Marcus ang gate at hinawakan niya ng mahigpit ang kwelyo ni Emmanuel.
"Umalis.ka.na."
"Whoaa! Whoaa! Whoaa! Boss relax lang!"
Sabi ng bagong dating na si Loui habang tumatakbo palapit sa dalawa.
Pagka lapit niya ay hinawakan niya si Marcus at pilit etong inilalayo.
"Boss relax lang baka mapaano pa ang sugat mo. Manong baka pwedeng--"
Natigil si Loui at napanganga ng makilala kung sino ang kanyang hinarap.
"E-emmanuel?"
Hindi niya makapaniwalang sabi.
"Loui."
Magsasalita sana si Loui ng biglang sumingit si Marcus.
"Umalis ka na!"
Galit netong sigaw.
"Boss! Boss! Easy lang!"
Awat ni Loui at muling hinarap si Emmanuel.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito Emmanuel? Hindi ba't matagal ng patay si Carlos? Bakit bigla bigla ka na lang magpapakita?"
Takang tanong ni Loui.
"Mahabang paliwanag Loui, pero nandito ako hindi bilang kanang kamay ni Carlos. Kundi ay sa anak niyang si lady Charlotte na nilipatan ng karapatan ng kanyang ama."
Nanlake ang mata ni Loui ng marinig iyon.
Kaya lalong naikuyom ni Marcus ang kamao at susugudin sanang muli si Emmanuel ng maawat siya ni Loui.
"UMALIS KA NA! LAYUAN MO KAMI! LAYUAN MO ANG KAPATID KO!! HINDI KA NIYA KAILANGAN!"
"Tulad ng sabi ko, si lady Charlotte ang sadya ko dito. At kung hindi nga niya ako kailangan, gusto kong marinig ang salitang yan mula sa kanya. Dahil ngayong nasa kanya na ang karapatan, siya lamang ang may kayang utusan ako."
Paliwanag ni Emmanuel.
"Boss, tama siya. Kung inilipat ni Carlos ang karapatan sa kapatid mo. Siya lang ang makakapag bigay utos kay Emmanuel. Mabuti pang hintayin na lang natin si Charlotte at hayaan siya na makapag desisyon. Dahil kahit anong sigaw, galit at pagpapa alis mo sa kanya. Ay hindi niya pakikinggan dahil wala sayo ang karapatan."
![](https://img.wattpad.com/cover/89255825-288-k236421.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]