Third Person's POV
"Tatlong hospital ang malapit sa pinangyarihang ambush. Posibleng ang isa sa mga hospital na yun ay doon dinala ang--.....*sigh*...uunahin natin ang pinaka malapit na hospital kaya mag handa na kayo ng mga gagamitin natin."
Walang ganang sabi ni Hunter habang naglalakad kasunod sila Violet at Ox na nasa ibaba lang ang tingin.
"Nasabi ko na kay vice Amy ang nangyari at papunta na rin siya dito. Pagdating natin sa unang hospital, ang una nating pupuntahan ay ang morge. Sana lang may palatandaan pang makikita sa katawan ni---"
"Katawan nino?"
Natigil si Hunter sa pagsasalita ng buksan niya ang pinto ng silid, at nanlalake ang mata habang nakanganga ganun din sila Ox at Violet ng makita nila kung sino ang naka upo sa upuan habang ginagamot ang sarili.
"Q-queen."
Hindi makapaniwalang bulong ni Hunter.
Naitaas naman ni Kira ang kanyang isang kilay habang naka tingin sa tatlo na mga nakanganga at gulat na gulat pa din.
"Queen buhay ka!!"
Tumakbo si Hunter at niyakap si Kira na naka kunot ang noo.
Lumapit na din sila Violet at Ox sa kanya at niyakap din siya na lalong ikinanuot ng noo niya.
"What the hell is happening?"
Takang tanong niya ng maramdaman ang paghikbi ng tatlo.
Si Hunter ang unang kumalas sa pagkaka yakap at sumunod ang dalawa.
Pasimple namang nag punas si Hunter ng namumuo niyang luha at ngumiti ng malake.
"Akala namin wala ka na. Kasi nandoon ka sa bodega na sumabog."
Paliwanag ni Hunter.
"Yeah. I was there--"
Natigil sa pagsasalita si Kira ng may mapagtanto at ngumisi habang umiiling at pinagpatuloy ang pag gagamot sa sarili.
"You guys thought that i'm dead."
Natatawang sabi niya.
"Y-yes queen. Tsaka may bangkay na sunog na sunog at nakapatong ang jacket mo kaya....akala namin ikaw."
Humina ang boses ni Ox sa huli niyang sinabi.
Inilapag naman ni Kira ang hawak na bulak habang naka ngisi pa din at tinignan ang tatlo.
Kira's Flashback
"Pag namatay ka, isa na kaming tunay na myembro ng strife ng girlfriend ko! Hahaha!!"
Naitaas ko ang isang kilay ko.
Makaka sali lang sila sa grupo ni Vlad kung mapapatay nila ako?
Tss, kalokohan.
"Halika na! Labing limang segundo na lang."
Hinawakan nung lalake ang girlfriend niya at tumakbo, kaya lang ay sumabit ang dulo ng pulang damit nung babae sa bakal at nahihirapan siyang alisin yun.
"Mauna ka na!"
Sigaw nung babae.
"Hindi! Sabay tayong lalabas dito!! Hindi kita iiwan!!"
Pilit na inaalis ng lalake ang pagkaka sabit ng damit nung babae.
Nakatingin lang ako sa kanila habang ginagawa nila iyon.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
AcciónEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]
