Kira's POV
"Wow! Astig nung secret passage na yun ah!"
Naglalakad patalikod si Usher dahil hangang hanga siya sa dinaanan namin.
Ako naman ay nagulat dahil hindi ko akalain na buo pa rin ang lugar na to.
Tinawagan ko si Hunter na kunin ang lalakeng pinatulog ko at dalhin dito.
"Ate, isa ba to sa teritoryo mo?"
Tanong ni Usher.
"Ka alyansa ko ang namumuno ngayon dito, pero hindi akin to."
"Grabe ate! Ang astig mo talaga. Akala ko sa mga pelikula ko lang napapanuod ang mga ganito, totoo pala! Ilan pa ba ang mga hawak mo---waaa ate!!"
Tumakbo si Usher sa likod ko ng may humarang na dalawang malalaking lalake sa pinto na papasukan namin.
"Queen."
Sabay nilang sabi at bahagyang yumuko. Pagkatapos ay pinagbuksan nila kami ng pinto.
Humawak ng mahigpit sa braso ko si Usher at halos idikit na niya ang sarili niya sa akin habang nilalagpasan namin yung mga lalake.
Pagpasok namin ay narinig kong napa buga siya ng hangin pero agad nanamang napa sigaw at nag tago sa likuran ko ng may huminto sa harapan namin na mas malake ang katawan kesa sa unang dalawang lalake.
Napa ngisi ako habang tinitignan siya.
"Masaya akong makita ka ulit queen."
"Ganun din ako Scar. Nasaan sila?"
Ang tinutukoy ko ay sila Hunter at yung lalakeng pinadala ko dito.
Sinabi niya na sumunod ako sa kanya.
Habang naka sunod kami, napapatingin ako sa paligid. Hindi pa rin nagbabago ang ekstraktura ng lugar, ang tanging nag bago lang ay wala ng malaking arena kung saan ko kinalaban si Scar noon. Ang pumalit ay ang mga mesa na may iba't ibang klaseng armas.
Eto ang binabantayan nila Violet at Ox para hindi makuha ng iba, lalo na ng grupo ni Vlad.
Dahil eto ang pinaka malaking pagawaan at kilala sa loob at labas ng bansa.
Nangunguna rin eto sa black market.
Kung ang dating nag mamay ari neto na si senior Esguerra, ay ibinebenta ang kanyang mga baril sa ilegal n paraan. Ng ako na ang humawak ay hinayaan ko pa din eto sa black market pero maraming proseso ang mga gagawin bago maka bili sa amin.
Nung una ay nag aalangan si Scar na baka bumagsak daw eto, pero dahil magaganda ang kalidad at kilala ang mga baril namin. Wala silang nagawa kundi ang sundin ang nais ko.
At kahit ganun na ang nangyari, ay mas lalong tumaas ang bentahan ng mga armas.
"Nandito na tayo queen."
Huminto kami sa tapat na bakal na pinto.
Binuksan iyon ni Scar at pina una akong pinapasok.
Ng si Usher na ay muli siyang napakapit sa braso ko ng sundan siya ng tingin ni Scar.
"Ate ang creepy niya!"
Bulong niya sa akin.
Hindi ko na lang yun pinansin dahil nakita ko kaagad yung lalakeng pinatulog ko. Naka upo siya at naka tali sa upuan at may busal ang bibig.
Tinanguan naman ako ni Hunter ng makita niya ako.
"Hi kuya!!"
Bati ni Usher.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]