Chapter 17

8.1K 249 13
                                    

Third Person's POV

Napa balikwas ng bangon si Felix sa kanyang higaan.

Inilibot niya ang kanyang tingin at nalamang nasa sariling kwarto siya.

Agad din niyang na alala na magkasama sila ni Kira at ang nangyari bago siya nawalan ng malay.

Napa buga siya ng hangin at isinandal ang ulo sa head board ng kanyang kama at pumikit.

Pilit niyang inaalala ang imaheng nakita.

Pinilit niyang alalahanin kung sino ang kasama niya sa imahe na iyon dahil ang parteng iyon ay malabo sa kanyang isipan.

"I promise dahil babalikan ko yan sayo."

Napa hawak siya sa kanyang ulo habang naka pikit at inaalala kung sino ang nag sabi sa kanya nun.

"I promise dahil babalikan ko yan sayo."

"Sino ka ba?"

Mahinang bulong niya at humigpit ang pagkaka hawak niya sa kanyang ulo habang naka pikit pa din.

"I promise dahil babalikan ko yan sayo."

Naidilat niya ang kanyang mata ng muling bumalik sa isip niya ang imahe na sa pagkaka taon na yun ay nakita na niya kung sino ang nagsabi nun kahit malabo iyon.

"S-sophia?"

Naguguluhang bulong niya ng mahina.

Umalis siya sa pagkaka sandal at itinatanong sa sarili kung bakit magkasama sila sa alaala niya na tila matagal ng nangyari.

Agad niyang inalis ang kumot na naka balot sa katawan niya at bumangon sa higaan.

Kinuha niya ang kanyang jacket at isusuot na niya sana iyon ng may mahulog mula sa bulsa nun.

Yumuko siya at dinampot ang tatlong litrato na kuha nila ni Kira ng pumasok sila sa isang tindahan at mapag kamalan na magkasintahan.

"I promise dahil babalikan ko yan sayo."

Muli siyang napa pikit ng mariin ng marinig nanaman ang tinig na yun.

Dumilat na siya at tumayo ng diretso.

Itinago niya ang tatlong litrato sa loob ng isang libro at naglakad na patungo sa pintuan.

Ngunit hahawakan pa lamang niya ang pihitan ay bumukas na ang pinto.

"Where are you going apo?"

Napa atras si Felix ng pumasok ang kanyang lolo kasunod ang dalawang doktor na nasa likod neto.

Tinignan naman siya ng kanyang lolo na tila hinihintay ang kanyang sagot.

Umiwas naman ng tingin si Felix.

"Lalabas lang."

Walang gana niyang sagot.

"You can't go anywhere today Felix, after what happened to you."

Maotoridad na sabi ng matanda.

"As you can see im totally fine."

Inis na sabi ni Felix.

"Yes, you are fine. But i wont let that happen again. You have to rest for now, and im with your doctors to check you. Are you still taking your medicine?"

Hindi sumagot si Felix, nakita naman niyang sinenyasan ng kanyang lolo ang dalawang doktor.

Labag sa loob ni Felix ang pag balik sa kanyang higaan at maupo.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon