Third Person's POV
"I guess tonight will be bloody."
Naka ngising bulong ni Kira sabay tutok ng dalawang baril sa itaas at sunod sunod na pina putukan ang mga kalaban sa itaas habang tumatakbo papunta naman sa mga pasugod sa kanya.
Ng maubos ang kalaban sa itaas, ay itinutok naman niya ang dalawang baril sa kanyang harapan at muling nagpa putok.
Binaril niya sa tuhod ang lalakeng malapit sa kanya kaya napa luhod eto.
Tumapak naman siya sa tuhod ng lalake at paikot na tumalon.
Habang nasa ere ay muli siyang nagpa putok na ikina bagsak ng ilan sa mga sumusugod sa kanya.
Saktong pag lapag niya ay sunod sunod din siyang pinaputukan.
Mabilis siyang nag tungo sa likod ng kalaban para mag tago sa likuran nun at mabilis na nagpalit ng magasin.
Ng magkaroon na ulit siya ng bala ay seryoso ang mukhang umalis siya sa likod ng pinagtaguan niya bago eto bumagsak.
At binaril ang mga nagpapa putok sa kanya.
Tumigil siya at pinagmasdan ang mga naka palibot sa kanya.
Samantalang si Ashton naman ay halos maubusan ng hangin dahil sa matinding kaba para kay Kira.
Nakita niyang inalis ni Kira ang tumatakip na hood sa ulo neto, na ikinagulat ng mga kalaban niya.
Lalo na ang mga Strife.
Ngunit ng makita ni Ashton na napa ngisi si Kira ay agad nabawasan ang nararamdamang takot.
At ang babaeng nasa itaas pa din ng entablado ay napa ngisi ng makilala ang pamilyar na mukha.
"Mukhang ikaw na mismo ang lumalapit sa kamatayan mo."
Naka ngisi netong sabi.
Hindi nagpa tinag si Kira at nginisian din ang babae.
"You will be the last piece of the cake."
Bigla namang sumeryoso ang mukha ng babae at naitaas neto ang kanyang isang kilay.
Mahigpit niyang hinawakan ang mikropono at sumigaw.
"KILL HER!!!"
"Tss."
Bulong ni Kira na hindi nawawala ang pagkaka ngisi niya.
Pagka sigaw ng babae ay agad na nagsipag sugod ang mga kalaban ni Kira na nasa unahan.
Habang siya ay naka tayo lamang at hinihintay ang pag lapit nila.
Ng maramdaman niyang may mga naka tutok na baril hindi kalayuan sa kaliwang gawi niya ay inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at sunod sunod na pina putukan ang mga iyon.
Nanlake naman ang mga mata ni Ashton ganun din ang mga kasamahan niya dahil sa nasaksihan.
Sunod sunod na nag back flip si Kira ng paputukan naman siya ng nasa harapan niya.
Naka tayo siya ng siya ay lumapag at walang ganang itinutok ang dalawang baril sa harapan at isa isang pinaputukan ang mga myembro ng Strife.
Ng maubos muli ang kanyang bala ay sabay niyang inalis ang magasin ng dalawang baril habang naka tutok pa rin eto sa unahan.
At bago tuluyang mahulog ang dalawang magasin ay sinipa niya ang mga iyon at tumama sa ulo ng kanyang kalaban.
Pagkatapos ay hinagis niya ang baril sa kung saan at tumakbo papunta sa mga kalaban.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]
