Third Person's POV
"SOPHIA!!"
Hindi na kinaya ni Kira ang sakit na iniinda ng kanyang nabaling braso, dahilan upang maka bitaw siya sa kinakapitan.
"S-sht!"
"KYAAAAA---"
Naputol ang pag sigaw ni Lucy at napa dilat si Kira ng may humawak sa kanyang braso.
Ang una niya agad nakita ay ang marka na hugis bituin na nasa kamao ng humahawak sa kanya.
Ng itingala niya ang kanyang tingin ay nagulat siya at nanlake ang mata ng makitang ang tumulong sa kanila ay ang lalakeng nagtatangka sa buhay niya.
Tanging ang mata lang ang nakikita niya dahil may suot ang lalake na mask.
"Help us!!"
Sigaw ni Lucy.
Hinila pataas ng lalake si Kira na napapa sigaw dahil sa sakit ng kanyang braso.
Ng maangat sila ng lalake ay nanghihinang napa higa si Kira sa lupa.
"T-thank you so much mister!"
Naiiyak na sabi ni Lucy na naka upo sa tabi ni Kira.
Naidilat naman ni Kira ang mata niya at tinignan ang lalakeng naka tayo sa harapan nila.
Gamit ang isang kamay ay pinilit niyang maka tayo.
"R-run...."
Mahinang sabi niya kay Lucy pero ang tingin niya ay sa lalake lamang.
"H-huh?"
Naka kunot ang noong tanong ni Lucy na salitan ang tingin kay Kira at sa lalake.
Tuluyan ng naka tayo si Kira kahit na natutumba eto habang hawak hawak ang braso.
"RUN!!"
Sigaw niya at ang kanyang masamang tingin ay nasa lalake pa din.
Napa tayo na si Lucy na naguguluhan.
"S-sophia---"
Humarang si Kira sa harapan ni Lucy.
At ang lalake naman ay seryoso lamang na naka tingin kay Kira na nakikiramdam sa maaring gawin ng lalake.
Nagtagal ang titigan nila hanggang ang lalake na ang pumutol nun at naglakad paakyat ng bangin.
"W-wait! Mister, h-help us. She's injured."
Sinundan ni Kira ng masamang tingin ang lalakeng umaakyat hanggang sa hindi na niya eto makita.
"Why he left? Paano tayo--oh my gad Sophia!!"
Pag harap ni Lucy kay Kira ay saktong nawalan siya ng malay at bumagsak sa lupa.
Agad na lumapit si Lucy at tinapik tapik ng mahina ang pisngi ni Kira.
"Oh my gad! Sophia wake up--gad! HELP!!! Sophia---HELP US!! Wake up Sophia, my gad!! ANYBODY! HELP!!"
~~~
Charlotte's POV
Nakaka inis talaga si Pamela!
Sabi na nga ba at may hindi magandang nangyari.
Mukha lang akong hindi nag aalala sa kanya.
Pero ang totoo niyan, sa tuwing umaalis siya at lalo na kapag nasa field siya. Hindi ko maiwasang hindi mag alala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
AzioneEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]