Third Person's POV
"S-sophia? Anong nangyari sa kanya?!"
Agad na nilapitan ni Amy si Felix na may bitbit kay Kira.
"Ikaw Saturn anong nangyari sa kamay mo?"
Tanong din niya ng makitang naka hawak si Saturn sa kanyang kamay.
"Napa laban kami."
Sagot ni Saturn.
Naikunot naman ni Amy ang noo.
At ng makitang maling pinto ang papasukin ni Felix ay tinawag niya eto.
"Dito mo siya dalhin."
Sabi niya at nauna sa tinurong direksyon.
Siya na din ang nag bukas ng pinto, agad namang pumasok si Felix at inilapag si Kira sa kama.
"Kukuha lang ako ng pang gamot."
Sabi ni Amy at lumabas ng silid.
Tumabi naman si Felix at nag aalalang tinignan si Kira habang naka hawak siya sa kamay neto.
At si Saturn naman ay masama ang tingin sa kanyang kamao. At inisip kung bakit ganun na lamang ang kanilang naka laban.
Bumukas ang pinto at pumasok si Amy kasama na si Hunter.
"Saturn, ilagay mo to sa kamay mo."
Inabot ni Amy ang isang plastic na may lamang mga yelo, at dumiretso sa tabi ni Kira.
"Tita, let me."
Malumanay na sabi ni Felix.
Tinignan naman siya ni Amy at alanganing inabot ang pang gamot para sa mga ilang galos ni Kira.
Bumuga ng hangin si Amy at tumayo.
"Speak Saturn, what happened? Bakit hindi kayo tumawag kung hindi niyo pala kaya."
Naka kunot ang noong tanong ni Amy.
"Dahil hindi namin inaasahan na ganun ang makaka laban namin."
Sagot ni Saturn na may inis sa kanyang tono.
"Anong ibig mong sabihin?"
Tanong ni Hunter.
"Hindi ko din alam! Pero hindi sila namatay ng paputukan namin sila. Hindi rin namin sila nasugatan! Naka baon lang ang mga bala sa kanila!"
Galit na sagot ni Saturn at naikuyom ang iniindang kamao.
Napansin naman iyon ni Amy kaya lumapit siya kay Saturn at inagaw ang yelo at siya na ang nag tuloy nun.
"Paanong hindi nasugatan? Ano bang sinasabi mo?"
Naguguluhang tanong ni Amy.
"Ano yon robot?"
Singit na tanong ni Hunter.
"No."
Napa tingin ang lahat kay Kira ng mag salita siya.
Natigil naman si Felix sa pag punas sa mukha niya at inalalayan siyang maka upo.
"Hindi sila robot. They're human too. They are breathing like us, and i can assure that they are human because i looked at their eyes."
Pag papatuloy ni Kira.
"Naguguluhan ako pero tama ka. Hindi sila robot. Nung suntukin ko ang isa sa kanila, naramdaman kong tao sila pero parang matigas na bagay."
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]