Third Person's POVIpinatong ni Pamela ang susi sa mesang malapit sa kanya.
Sumandal siya sa pader at naka cross ang mga braso na tumingin kay Marcus na naka yuko.
"Pwede tayong mag tagal dito hangga't hindi pa natatapos ang bahay, buti na lang at pina tira tayo dito ni Erick pansamantala. At nagkita pala kami ni ninong, alam na niya ang nangyari kay Charlotte, kahit hindi ko naman sabihin alam kong makakarating sa kanya iyon. Alam na din niya ang ginawa nating paglilihim sa kapatid mo at hindi niya nagustuhan iyon."
Sabi niya ngunit hindi man lang umimik si Marcus.
Napa buga siya ng hangin at umupo sa katapat na upuan ni Marcus.
"Siguro maganda na din yung hindi muna kayo nagkikita ni Charlotte, tulad sa mga movie, give her some space, nasaktan talaga siya sa ginawa natin. Tsaka wag mo masyadong dibdibin yung mga sinabi niya, hindi niya sinasadya yun. At wag kang mag alala, nakaka takot lang tignan si Sophia, pero alam kong mas ligtas ang kapatid mo sa kanya."
Nanatiling tahimik lang si Marcus.
Muling bumuga ng hangin si Pamela at nag salita.
"Natapos na ni Kira ang deal, wala na si lady in red. Ngayon naman ay nasa kanya na ang kapatid mo. Maybe by now, tapos na ang kailangan nila kay Charlotte. At kung ganun nga..."
Huminto siya at naka tingin lang kay Marcus na nanatiling naka yuko.
"Babalik ka na sa kulungan."
Pagpapa tuloy ni Pamela na halatang nalungkot.
Hindi muling sumagot si Marcus pero nakita niya na naikuyom neto ang dalawang kamao.
Mag sasalita pa sana si Pamela ng tumayo si Marcus at nag lakad palabas.
Ng tuluyan na siyang maka labas ay pa biglang sumandal si Pamela sa upuan at inis na sinabunutan ang sarili.
"Nakaka loka!!!!"
~~~~~~~~~~~~~~
"Honey, sino sila?"
Kinakabahang tanong ni Elizabeth.
"Hindi ko alam."
Sagot ni Henry at humigpit ang pagkaka hawak niya sa magka bilaang balikat ng asawa at anak.
"Labasin ko lang sir."
Sabi ng kanilang driver at lumabas.
Nakita din nilang lumapit ang ilang mga gwardiya sa mga sasakyan at kinatok ang bintana.
"S-should we call ate?"
Natatakot na tanong ni Ashton.
"I think so."
Kinuha ni Henry ang cellphone at ititipa na sana ang numero ni Kira ng marinig nilang binaril ang kanyang mga tauhan.
"Oh my god!"
"Daddy!!"
Sigaw nila Ashton at Elizabeth.
Nanlake ang kanilang mga mata ng lumabas lahat ng mga armadong nasa sasakyan at pumunta sa magka bilaang gilid nila at sabay sabay silang tinutukan ng mga eto.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]