Ikinasa ni Kira ang hawak na baril at inilagay sa holster na naka tago sa kanyang jacket.Sandali niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin.
At ng madako ang tingin sa naka labas na kwintas ay hinawakan niya iyon.
Halos ilang munuto din niya iyong pinagmasdan bago ipinasok sa loob ng damit.
Kinuha niya ang katabing cellphone, at tulad ng hindi niya maipaliwanag ay maya't maya ang tingin niya kung may mensahe o tawag mula kay Felix.
"Tss."
Sumama ang kanyang itsura ng makitang wala pa ring kahit isang mensahe mula sa hinihintay.
Kaya agad niyang binitawan ang cellphone at lumabas sa kanyang silid.
Tahimik ang buong bahay habang pababa siya ng hagdan.
May ilang mga kasambahay ang na dadaanan niya at binabati siya na tango lamang ang kanyang isinasagot.
Pagdating niya sa kusina ay na abutan niya si Ashton na kumakain mag isa.
"Good morning ate."
Bati ni Ashton ng makita siya, tumayo siya at hinalikan si Kira sa pisngi.
"Good morning, bakit hindi mo ako pinuntahan sa kwarto ko para na samahan kitang mag breakfast?"
Tanong niya at umupo na rin.
"Baka kasi ate tulog ka pa. Nandito naman si kuya Saturn kaya ok lang."
"Si Saturn? Nandito siya--"
"Yes! I'm here!"
Nilingon ni Kira si Saturn na naka apron at may hawak na dalawang plato sa magkabilaang kamay.
"Hindi ka pupunta sa resto?"
Takang tanong ni Kira habang sinusundan ng tingin ang mga pagkain na nilalagay ni Saturn sa kanyang harapan.
"Nope! I am the chef today kaya! Here's your delicious food, my queen."
Sinamaan ng tingin ni Kira si Saturn ng kindatan siya neto at ngisian.
Natawa na lang din si Ashton at pinagpa tuloy ang pagkain.
"If you're not going, then go with me at the university."
"Anong meron?"
Umayos ng upo si Kira at nagsimulang kumain.
"You will know later."
Sagot niya.
"Ok, pero daan muna tayo sa hospital. Tumawag kasi ako kay Jasper, sabi ko dadalhan ko sila ng almusal at lunch na din."
Tumango naman si Kira bilang sagot.
At ng mapa tingin siya kay Ashton na naka tingin sa kanya at agad na umiwas ng tingin, ay nag salita siya.
"Gusto mong sumabay?"
Naka ngiting tanong ni Kira.
Agad namang naiangat ni Ashton ang mukha at naka ngiting tumango ng sunod sunod.
"Ok then, MEOGJA!!"
[Let's eat]
Sigaw ni Saturn.
Tinignan naman siya ng masama ni Kira.
"Tss, do you really need to shout?"
Pag susungit niya pero tinawanan lang siya ni Saturn.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]