1 . "From the Beginning"

34 2 0
                                    

"Sobrang gwapo talaga nya.."

Narinig ni Amira na sabi ng mga kaklase habang nagkakanda-haba ang leeg ng mga ito kakatingin sa di kalayuan sa likuran nya.

Napatigil sya sa pagtetext at napangiti.

Nakakunot ang noo ng Bestfriend nyang si Candy sa kanya.

"Problema mo neng?" Tanong nito.

Lumuwang ang pagkakangiti nya.

"Sabi kasi ni James busy sya kaya di nya ko masasabayan maglunch."

"So?" Ngiti pa ng kaibigan.

Dahan dahan napawi ang ngiti niya sa pagkapahiya.

Nawala sa isip nya na Kilala ng mga kaibigan ang boyfriend nyang si James.

Napalingon sya sa direksyon kung saan nakatingin ang mga kaklase nya na tila kinikilig pa.

Papalapit ang tinutukoy nilang gwapo sa direksyon nila. At kasama pa ang mga kaibigan nito.
Kanin at ulam...
Kainan na!
Sabi ng mga kaibigan nya.

"Yun boyfriend mo neng gwapo lang. Itong lalaking to na nangangarap maging girlfriend ka sobrang gwapo, hot, matalino at mabait pa." Bulong nito sa kanya. Nang aasar na dugtong pa ni Candy kaya naasar sya.

"May boyfriend pa ko neng at magkaibigan lang kami ni Pj." Sagot nya sa kaibigan na hindi ito nililingon. Ayaw nyang paramdam na napikon sya.

Tumawa ito at nagbiro.

"Talaga? Bakit Princess tawag nya sayo." tudyo ng kaibigan. "Kung ayaw mo ipamigay mo! Sakim!"

Tumatawa na sya nang makalapit si Pj at umupo sa tapat nya.

Nakaarko ang makakapal nitong kilay na nakangiti.

Nakatitig ito sa kanya at ganun din sya rito.
Parang huminto ang mundo at ayaw nitong umikot ng mga sandaling yon. Pero bakit ganon?
Alam naman ng kalangitan na may mahal na sya. At si James yon.

"Si crush parang rainbow yan eh! Sya yun nagbibigay kulay sa atin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Si crush parang rainbow yan eh! Sya yun nagbibigay kulay sa atin. Everyday makita lang natin sya buo na araw natin. Bonus pa kapag nakausap natin diba? Sarap sa feeling! Hehe. Minsan nga dahil sa kanila tumataas pa grades natin sa school.😏 hahaha.. iba kasi kapag crush. [Insert puso! Insert smiley.]

Jessica Ybarra

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now