"Talaga bang hindi na kayo magiging okay ni Attorney?" Tanong ni Lyra sa kanya habang nagreready sila sa pagpasok sa school isang umaga.
Dito kasi sya nag stay habang nagpapalipas ng araw.
"Ayaw mo na ba ako dito?" Biro nya.
Napakibit si Lyra. Napalingon ito sa kanya.
"Gusto naman girl.. kaya lang may asawa ka kasi. Hindi magandang tignan na magkaiba kayo ng bahay. Teacher ka pa. Dapat mag usap kayo. Para maayos nyo yun hindi nyo pagkakaintindihan."
Hindi na nakakibo si Amira. Paano pa ba niya pagkakatiwalaan ang asawa kung hindi ito magsasabi?
Isa pa nagseselos sya. Alam naman nito na selosa sya tapos lapit pa ito ng lapit kay Yesha.Hindi nalang sya kumibo dahil may punto naman si Lyra.
Sabay silang pumasok nito. Nakita nya si Pj na matyagang naghihintay doon. Gaya ng nakagawian. May hawak itong white roses at chocolates kapag sinusundo sya.
Siniko sya ni Lyra.
"Ewan ko nalang kapag di ka pa kiligin nyan." Ngiti nito na parang gusto sya sabunutan sa sobrang kilig.
Iiwas sana sya pero nakita na sya ni Pj. Sinalubong sya nito ng yakap. Sobrang higpit.
Pero pinigil nya ang sarili na yakapin din ito. Pinigil nyang kiligin.
Kahit ang hirap!"Miss na miss na kita." Bulong nito.
"Papasok na ko sa loob, Pj." Malamig nyang sagot.
"Umuwi ka na. Please. Hindi na ko makapag isip ng maayos." Naluluhang pakiusap nito.
Parang bata si Pj na nagsusumamo. Pero naging matigas sya.
"Hindi."
Kumalas sya sa pagkakayakap niyo at sumabay sa naghihintay na si Lyra.
"Nakakaawa si Pj.. umiiyak ba sya?" Tanong sa kanya ni Lyra. "Bihira nalang yun mga katulad ni Pj ngayon Amira na iiyakan ka bumalik ka lang. Hay. Abogado pa yan. Usually matatapang yang mga yan."
Hindi nalang sya ulit kumibo. Kaysa mainis sya kay Lyra. Ayaw nya marealize na mali ang desisyon nya. Kasi nasa proseso sya ng pagtatampo.
Bawal ba na magtampo sya? Bawal ba sya magpalipas ng sama ng loob?Pagdating nya sa room may food sa table nya na dala din ni Pj. May note doon.
..Trust me please. It's for your own good... I so miss you and I really Love you..
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
SonstigesCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...