Dinala sya ni Xander sa Factory nito ng The Chocolate Castle dahil may kailangan ito kuhanin sa opisina nito. Parang palasyo talaga ang design ng factory pero chocolate kung saan ang uniform ng mga empleyado ay dark brown na parang mga elves.
Everyone in the factory greeting him politely. Lahat ng trabahador doon ay mga taga San Andres. Yun mga mahihirap sa lugar nila. Dito halos nagtatrabaho.
Hindi man ni Xander sinundan ang yapak ng magulang nito na maging abogado. Ginagawa naman nito ang nakagawiang pagtulong ng mga magulang sa mga mahihirap.
Ang layo sa Xander na kilala nya ang Xander na nakikita nya ngayon.
Nakikipag kapwa tao pala ito.Maya maya ay bumalik si Xander sa tabi nya at inabutan sya ng basket of chocolates.
"Sabi ni Pj mahilig ka daw sa chocolate so, here.. para ma-satisfied si baby."
Matutuwa na sana sya kaso pinainit na naman ng lalaking ito ang ulo nya.
Ganun na ba sya kataba para sabihin nito ng paulit ulit na buntis sya?
Natawa si Xander ng sinamaan nya ito ng tingin.
"Chill okay? Just in case.. that you are pregnant..." tawa nito.
Hindi nalang sya kumibo. Pinakain sya nito sa opisina nya. Kanina pa sya di kumakain.
Lahat ng pinaluto nito sa personal cook nito ay mga paborito nya kaya napatingin sya rito.Tumirik ang mata nito.
"Don't ask please. He knows that you are here that's why." Sagot agad nito habang ini enjoy ang pagkain nito na grilled pork with melted chocolate.
Chocolate is life talaga ang goal ng lalaking ito.May naalala sya. Baka sakali masagot nito ang mga katanungan nya.
"Anong alam mo tungkol kay Pj at Yesha?"
"Oh! Please... I don't watch Teleserye. No more drama please." Maagap nitong sagot.
Napayuko sya. Nakatitig lang sya sa pagkain nya. Hindi nya ginagalaw yon.
Napatigil naman sa pagkain si Xander at tinignan sya.
"I don't even have love life at wala rin akong karapatan magsalita. but one thing for sure... yang pinagdadaanan mo? Wala yan sa pinagdadaanan ngayon ni Pj.. kung nagtiwala ka lang sa kanya."
Hindi na sya nagsalita pa. Nagkamali nga ba sya? Nagpadala sa galit?
Sumasakit na ang ulo nya kakaisip.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
AcakCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...