"Wow. Talagang ginawa mo kaming power rangers?" sumbat ng cool na si Edward. bumalik kasi ang mga ito sa sobrang tagal ni Pj.
"Grabe sya." Tawa ni Enzo.
"Kayo ang V?" Gulat nyang reaksyon.
Walang sumagot sa kanila maliban sa nakaismid na si Xander.
"Ano ngayon sayo Sebastian? Bakit? Isusumbong mo kami?" Nakangisi nitong sabi. Na parang binabantaan na sya.
Huminga sya ng malalim. "Mali yang ginagawa nyo sa mga teachers."
"Mas mali yun ginagawa nila sa mga estudyante. Maraming gusto mag aral, pero ano ginagawa nila. Ginigipit nila. We are equal we should be all treated equally."
"So, bakit ikaw? O kayo ang gagawa nyan. Hindi naman kayo affected ah! Mayaman naman kayo." Inis nyang pagalit sa binata.
Hindi nya maintindihan kung bakit kailangan magpaka bayani pa ang mga ito. wala naman silang mapapala.
"We have to go." Aya ng once in a bluemoon kung magsalita na si Coco kay Pj pero hindi ito kumilos at nakatingin sa kanya.
"Kung hindi ako o kami? Sino Princess? Sino?"
Hindi sya sumagot. Yun ang dahilan para talikuran sya nito.
Nakatanaw sya habang palayo na ang mga ito nang humahangos na bumaba si Candy."Girl, anong oras na?"
Napatingin sya sa screen ng phone nya. Shit! Ilang minuto na syang late.
Pero nahagip ng mata nya na may notification sya sa social media account nya. Hindi nya lang nabuksan dahil late na sya.
Pero kahit anong gawin nya makapag-focus ay di nya magawa.
Ang dami nyang iniisip.Iniisip nya alam kung bakit kailangan gawin ni Pj ang mga bagay na yun para sa schoolmates nila.
Kung tutuusin sikat na si Pj sa school. Ito at ang mga kaibigan nito dahil member sila ng glee club. Lahat ng mga babae sa school halos mabaliw kakatili sa kanila.
Kaya impossibleng naghahanap pa ng atensyon ang mga ito.At ano nga bang pakialam nya kung anong gawin ni Pj sa buhay nilang magpipinsan?
Rich kid problems! Tsk.
Speaking of that boy. Bumalik sa alaala nya nung halikan sya nito sa labi at kung paano nya tinugon din 'yon.
Nakunsensya sya.
Pinagtaksilan nya si James at hindi nya alam kung paano haharapin ito o itatago nya nalang ba yun tungkol sa halik?
Hanggang makauwi hindi sya napakali. Napapansin na nga sya ng ina pero hindi nalang nya pinansin.
Pumasok nalang sya sa kwarto at nilibang ang sarili para mawala sa isip nya si James.
Binuksan nya yun files na galing kay Sarah..
...Ate Mira nakikipag-landian parin si James sa kanya. Ganyan lagi nya ginagawa kaya palagi sya wala...
And she is looking right now to those pictures of James kissing different girls.
Quits na sila.

YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
AcakCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...