Habang lumilipas ang mga araw. Lalo lang bumibigat ang nararamdaman ni Amira.
Para itong bola na palaki ng palaki na dala dala nya habang lumilipas ang bawat oras.Kahit saan angulo nya tignan.
Talagang tinalikuran nya si Pj. Pinahamak. Trinaydor at higit sa lahat.
Sinaktan.Sa kabila ng ginawa nito para sa kanya. Sa kabila ng pag aalala nito. Yun pa ang ginanti nya.
Yun pa ang sinukli nya sa pagmamahal nito.Hindi na nya binalikan si James. Kahit halos araw araw ay sinusuyo sya nito. Kahit ka close nito ang mommy nya. Hindi nya ito binigyan ng pagkakataon na muli syang saktan. Maski si Sarah ay hindi na nya nakuhang kausapin.
Alam nyang ito ang nagsabi kay James na kilala nya ang V kaya napahamak sila Pj.
Ito ang palaging nagsusumbong sa kanya ng mga kalokohan na ginagawa ni James. Yun naman pala ay may relasyon silang dalawa.
At ngayon nga, sa sandaling ito paglipas ng limang taon. Iniisip nya kung anong nararamdaman ni Pj.
Wala kasi silang communication lalo na at si Professor lang ang naiwan sa bahay.Aalis na nga sana si Professor Julian. Magreretired at sa Amerika na lahat silang pamilya pero hindi nila inaasahan na mamamatay ito sa isang sunog sa ospital. Walang linaw ang kaso kung anong nangyari. Lumabas sa resulta na may tama ito ng bala ng baril sa ulo pero nawala lahat ng ebidensya paglipas ng tatlong araw.
Nakakapanglumo dahil sobrang bait ng professor. Hindi rin nya makuhang tanungin si Xander na tanging nakikita nya sa V dahil alam nyang sagad hanggang buto ang galit nito sa kanya.
Hindi sa San Andres pinagluksa ng pamilya Elizalde ang mabait na Doktor. Sa Maynila para doon ipa-cremate ang katawan.
Uuwi kaya si Pj? Sigaw ng isip nya. Siguro naman kasi daddy nya yun namatay.
Ang hindi nya maintindihan ay ang ama kung bakit sila pinagbabawalan ng mommy nya na lumuwas upang makiramay sa pamilya Elizalde. Ayaw din ng kuya nya.
Kamusta na kaya si Pj? May kasama kaya ito habang pinagluluksa ang nangyari sa ama. May karamay kaya ito?
Kung katabi nya lang ito sa mga sandaling ito.
Hindi nya ito iiwanan. Hindi nya ito hahayaang mag isa.Minsan na nya itong iniwan noon at hindi nya ulit gagawin yon sa ikalawang pagkakataon.
Muli na naman nya naalala si Pj at ang ginawa nila sa rooftop.
Namimiss nya manood ng shooting star.Kasama ito.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...